‘Pinas, Iwas Makigulo Kontra China sa Scarborough

TINIYAK NG Palasyo na hindi pinababayaan ng pamahalaan ang mga mangingisdang apektado ng territorial dispute sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Maaalala na umaaray na ang mga mangingisda dahil hindi na sila makapalaot bunsod ng takot sa mga Chinese vessels.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, may livelihood assistance ang BFAR sa mga mangingisda upang magkaroon ng ibang pagkakitaan.

Pero sinabi ni Valte na sadyang wala silang magagawa para protektahan ang mga mangingisda upang maiwasan ang paglala ng tensyon.

Nagdesisyon daw ang pamahalaan na dalhin na lamang sa international forum ang maritime dispute at iwasang painitin ang hidwaan sa China.

Kumbinsido ang Palasyo na tama ang kanilang hakbang para maresolba ng payapa ang agawan sa teritoryo.

“Again, I cannot stress this enough that if you notice our response to maritime disputes, we have always taken it to the proper forum; and from where we stand, we cannot take any action that may tend to exacerbate the situation apart from the approach that we’ve already taken,” ani Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.