‘Pinas, Inalis na sa Tax Haven Blacklist

ITINUTURING UMANONG welcome development ng pamahalaan ang na-ging desisyon ng France government na alisin ang Pilipinas sa listahan ng mga “non-cooperative states” kaugnay ng ginagawang pagsisiyasat sa mga kaso ng foreign aid fraud.

Ayon kay Department of Finance Sec. Cesar Purisima, ang pagkakaalis ng bansa sa naturang listahan ay bunga nang patuloy na repormang ipinapatupad ng administrasyong Aquino laban sa mga kaso ng katiwalian at tax evasion.

“We are very happy to report that the Philippines has been removed from the French government’s list of non-cooperative jurisdictions for tax policy, otherwise known as a blacklist of tax havens. This move is a recognition of the Aquino administration’s commitment and tangible progress in combating tax avoidance and promoting fiscal honesty,” ani Purisima.

Lumalabas sa bagong listahang ipinalabas ng France, hindi na kasama ang Pilipinas sa bansang “ban” sa paggamit ng mga French banks bilang “source” ng kani-lang mga development funds.

Samantala, sa tinaguriang “blacklist”, kabilang dito ang mga bansang wala umanong ginagawang aksyon laban sa mga kaso ng foreign aid fraud, katulad ng Bermuda, British Virgin Islands, Botswana, Brunei, Guatemala, Marshall Islands, Montserrat, Nauru at Niue.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.