‘Pinas, Inalis na sa Listahan ng ‘Notorious Markets’

INALIS NA sa listahan ng tinatawag na ‘notorious markets’ ng United States Trade Representatives (USTR) ang Pilipinas matapos ang ang anim (6) na taong pagkakasama nito batay sa Out-of-Cycle Review ng notorious market sa buong mundo noong ika-13 pa ng Disyembre taong kasalukuyan.

Batay sa ulat, kabi-lang sa mga tinukoy na lugar sa bansa na nakapaloob sa naturang listahan ang bahagi ng Greenhills at Baclaran, Divisoria, Quiapo, Makati Cinema Square at Binondo.

Sa Report ng USTR, tinukoy nito ang mga positibong resulta ng mga pagkilos na isinagawa ng pamahalaan partikular na ang malaking pagbabago sa tinatawag na ‘Quiapo Shopping District’ sa Maynila kung saan bumagsak ang bilang at bentahan ng mga pineke at piniratang mga produkto.

Kasabay nito, tiniyak ni Intellectual Property Office Director General Ricardo R. Blancaflor na ang sinimulang ‘hollistic approach’ ng IPO mula pa noong taong 2010 ay magpapatuloy upang patuloy na protektahan ang mga lehitimong brand at negosyo sa bansa.

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.