‘Pinas, ika-5 sa least gender gap nation

LUMALABAS SA ulat ng World Economic Forum (WEF) na panlima ang Pilipinas sa 136 na bansa sa buong mundo na manipis ang pagkakaiba o agwat sa pagtrato at pagtingin sa kababaihan at kalalakihan, habang nangunguna sa listahan ng mga bansa sa Asia.

Base sa 2013 Global Gender Gap Index, ito ang unang pagkakataon na ang bansa ay pumasok sa top 5 ng listahan ng mga bansa na may “narrow” gap ng kalalakihan at kababaihan, tatlong puntos na mas mataas kaysa 8th place na posisyon nito noong 2011 at 2012.

Sinabi ng WEF na sinusuri ng Global Gender Gap Index ang agwat ng kalalakihan at kababaihan sa apat na pangunahing kategorya: economic participation and opportunity, educational attainment, health and survival at political empowerment.

Iniranggo ang ating bansa na 1st sa education attainment at health survival category, at nasa 10th place sa political empowerment at 16th place sa economic participation at opportunity.

Ang Pilipinas ay nakakuha ng overall grade na 0.783, mas mataas kaysa 0.776 noong 2012 at 0.7685 noong 2011.

“The Philippines is the highest ranking country in Asia, primarily due to success in health, education and economic participation. Philippines is the only country in Asia and the Pacific that has fully closed the gender gap in both education and health,” ayon sa WEF.

Natuklasan sa 397-pahinang report na 86 sa 133 bansa “improved their global gender gap between 2012 and 2013, with the area of political participation seeing the greatest progress.

“This year the Philippines scores a higher ratio in the wage equality survey, improves its estimated earned income and has a larger representation of female professional and technical workers,” saad sa ulat.

Ang mayayamang bansa na nasa likuran ng Pilipinas ay kinabibilangan ng Ireland (6th place), New Zealand (7th), Denmark (8th), Switzerland (9th) at Nicaragua (10th), habang ang Iceland ang nanguna sa listahan sa ikalimang magkakasunod na taon. Sumusunod na listahan ang Finland sa second place, Norway (3rd) at Sweden (4th) na nanatili simula sa ulat noong nakaraang taon.

Idinagdag din nito na ang ating bansa ay kabilang sa mga bansa na namuhunan sa women’s health at education at “generally see the returns on this investment in terms of women’s economic and political participation.” Napabilang ito sa hanay ng mga bansang kabilang ang United States, Canada, New Zealand at Australia.

Gayunman, binigyang-diin nito na ang mga bansang ito ay hindi pa “fully closed economic and participation gaps”. Partikular nitong tinukoy ang mga agwat sa “senior positions, wages and leadership levels”.

Samantala, habang sa perceived wage equality para sa parehong work indicator, nanguna ang Pilipinas at Malaysia sa listahan, habang ang France at Mauritania ay lumabas na dalawang lowest performing countries sa naturang larangan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.