‘Pinas, Humakot ng Medalya sa Southeast Asian Cheerleading Open

NASUNGKIT NG Pilipinas ang apat na ginto sa ginanap na 3rd Southeast Asian Cheerleading Open (SEACO) sa Downtown East D’Marquee sa Singapore kamakalawa.

Tagumpay na nadepensehan ng Team Pilipinas All-Girls ang titulo ngayong taon para talunin ang mga squad mula Chinese-Taipei, Japan, Malaysia, Singapore at Thailand.

Sinabi ni Archie Cecil Meris, isa sa mga coach ng Team Pilipinas na uma-

asa silang maiuwi ng Pilipinas ang ginto.

Sa unang pagkakataon, naideklarang kampeon ang grupo ng COED sa COED Premier division at COED Group Stunts division.

Nagmula sa iba’t ibang kolehiyo ang Team Pilipinas COED tulad ng National University, Central Colleges of the Philippines, Holy Angel University, Ateneo de Manila University, University of Perpetual Help System Dalta, De La Salle University, Adamson University at Rizal Technological University.

Ito na ang pangatlong sunod na panalo ng Team Pilipinas All-Girls Elite upang madenpesahan ang titulo sa All-Girl Cheer division at bagong titulo sa All-Girl Group stunts division.

Ayon kay Rhufa Rosario, isa sa sa mga coach ng Team Pilipinas, maaring sumali sila sa susunod na laban sa Asia Open Cheerleading Championships sa Setyembre sa Japan.

Nagulat ang International Cheer Union (ICU) sa tema at ipinakita ng Pilipinas, dagdag pa ni Rosario.

Kinuha naman sa iba’t ibang high school at college team ang All-Girls Elite: sa Immaculate Conception Academy-Dasmarinas, School of Holy Spirit, Central Colleges of the Philippines, College of Saint Benilde, Ateneo de Manila University, St. Paul College Pasig, Colegio de San Agustin Makati at De La Salle University Manila.

Tatlong linggo lang ang naging preparasyon ng grupo dahil sa katatapos na National Cheerleading Championship (NCC) kung saan naglaban-laban ang mga kasapi.

Samantala, laking pa-

sasalamat naman ng Team Pilipinas sa ipinakitang suporta ng mga kababayang Pinoy sa Singapore.

Ang Team Pilipinas ay binuo ng kauna-unahang cheerleading organization sa bansa na National Cheerleading Championship (NCC) at Philippine Cheerleading Association (PCA).

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.