‘Pinas, ‘Di Tinanggap ang ‘Murder’ Claim ng Taiwan

HINDI TINANGGAP ng Pilipinas ang alegasyon ng Taiwan na sinadyang patayin ng nagpapatrol-yang Coast Guard ang Taiwanese fisherman.

Sinabi ni Chen Wen-chi, pinuno ng investigating team ng Taiwan na karamihan sa mga bala ng baril ay tumama sa cockpit ng bangkang-pangisda kung saan umano nagtago ang mga Taiwanese.

Ayon pa kay Chen, malinaw umano sa mga ebidensiya na intensyonal ang pamamaril at pagkapatay sa mangingisdang si Guang Ta Hsin.

Pero sinabi ni Communications Secretary Ricky Carandang na hindi tamang naglalabas ng mga ganitong “premature statements” ang Taiwan lalo’t may nagaganap namang pagsisiyasat.

Lalo lang aniyang pinapaigting ng mga ganitong pahayag ang sitwasyon imbes na makatulong.

Iginigiit ng bansa na pumasok ang mga mangingisda sa karagatang sakop ng teritoryo ng Pilipinas ngunit kinokontra naman ito ng Taiwan.

Nag-personal apology na si Pangulong Benigno ‘Noynoy’  Aquino III ngunit tinanggihan ito ng Taiwan.

Sunud-sunod naman ang report ng mga Pilipinong minamaltrato sa Taiwan kasunod ng insidente.

Samantala, agad u-muwi sa Taiwan ang investigatig team ng Taiwan dahil sa umano’y kawalan ng sinseridad at kredibilidad ng kanilang Filipino counterpart.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.