‘Pinas, ‘Di na Aabutin ng Indo Haze

MALAYO UMANO ang Pilipinas para maapektuhan pa ng “hazardous haze” na bumabalot ngayon sa bansang Indonesia at maging sa mala-king bahagi ng Singapore.

Sinabi ng Pagasa na nakatulong ang umiiral na southwest monsoon o hanging habagat para maitaboy ang usok palayo sa direksyon ng bansa.

Nitong nakaraang linggo, umabot na sa critical 400 level ang smog index sa Singapore dahil sa usok na napadpad mula sa forest fires sa Indonesia.

Inihayag ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong na inaasahan nilang tatagal pa ng ilang linggo ang usok na bumabalot sa kanilang bansa.

Kaagad namang nagtayo ng assistance desk ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Worker’s Welfare Administration (OWWA) para sa mga Pinoy sa Singapore na nangangailangan ng tulong.

Matatandaan na noong 2010, kabilang ang Pilipinas, Malaysia, Singapore at Thailand sa mga bansang naapektuhan sa tinaguriang “worst air pollution” bunsod ng forest fire sa Sumatra Island.

Samantala, umabot sa mahigit $9-bilyon ang naging pinsala ng nasabing insidente sa sektor ng turismo, transportasyon at pagsasaka sa naturang bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.