‘Pinas, ‘Di Magpo-Protesta Kontra Tsina

WALA UMANONG balak ang Pilipinas na maghain pa ng panibagong diplomatic protest laban sa bansang Tsina, kaugnay sa panibagong insidente nang panghihimasok nito sa teritoryo ng bansa.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Albert del Rosario, inalis na ng Tsina ang kanilang warship na sumadsad sa bahagi ng Hasa-Hasa Shoal sa bahagi ng Palawan.

Sa isang pahayag, sinabi rin ni Del Rosario na naniniwala umano ang bansa na walang masamang ha-ngarin ang Tsina hinggil sa deployment ng barko.

“We don’t believe that there were ill-intentions that accompanied the presence of that ship in our EEZ (exclusive economic zone),” ayon kay Sec. del Rosario.

Base sa report ng Chinese embassy sa Maynila, sinasabing nahatak na umano ang kanilang barko kahapon ng umaga at kasalukuyang pabalik na ng Tsina.

Pero sa panig naman ni Department of National Defense Sec. Voltaire Gazmin, posible umanong nagkaroon ng “navigational mistake” ang barko kung kaya ito sumadsad.

Samantala, tiniyak din ng opisyal na wala naman silang natatanggap na report hinggil sa posibleng plano ng Tsina na manghimasok sa teritoryo ng Pilipinas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.