‘Pinas, Dapat Gumawa ng Sariling Armas at Barko – Recto

PANAHON NA umano para sa Pilipinas na lumikha ng sarili nitong armas at mga kagamitang pandigma tulad ng mga barko para sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay Senate ways and means committee chairman Sen. Ralph Recto, may firearm-making industry at pagawaan ng barko sa bansa kaya bakit hindi tayo gumawa ng mga armas upang palakasin ang sandatahang lakas.

“The super boost will come in the form of government subscribing to these locally-made firearms and making our men in the uniformed service as the walking and breathing endorsers,” ani ng senador.

Nasa ika-apat sa shipbuilding ang Pilipinas bakit aniya hindi na lamang ito gumawa ng barko para sa Navy at PCG, saad pa ni Recto.

“If we are already no. 4 in shipbuilding, why can’t we produce our Navy and Coast Guard vessels? We also have a robust small firearm industry, why can’t we use them for our uniformed security personnel? Why import firearms when we can have our own?” tanong pa ni Recto.

Sa ganitong paraan aniya makakatulong pa ang industriya sa pag-likha ng mga trabaho para sa ating mga kababayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.