‘Pinas, Bukas ang Komunikasyon sa Beijing

MANANATILI UMANONG bukas ang linya ng komunikasyon ng Pilipinas sa bansang Tsina para pag-usapan ang namamagitang territorial disputes sa ba-

hagi ng West Philippine Sea.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, ito ay sa kabila ng naunang hakbang ng Department of Foreign Affairs (DFA) na idulog na sa international tribunal ang isyu.

Sinabi pa ng opisyal na nanatili umanong bukas ang “communication lines” ng DFA sa Beijing para mapag-usapan ang matagal nang sigalot.

“The Department of Foreign Affairs continues to take advantage of open lines to talk to our friend China when it comes to the dispute we have raised. We will continue to communicate and keep our lines open,” ani ng opisyal.

Matatandaang noong nakaraang buwan, ipinaalam ng DFA kay Chinese Ambassador Ma Keqing ang desisyon ng Philippine government na dalhin na sa Arbitral Tribunal, sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang territorial issues.

Samantala, partikular na kinukuwestyon ng bansa ang umiiral na “nine-dash line map” ng Tsina na sumasakop sa ilang teritor-yo ng bansa sa nabanggit na lugar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.