‘Pinas, ayaw patulan ang ‘Chinese invasion’

NO COMMENT muna ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa lumabas na report kaugnay sa sinasabing plano umano ng Tsina na sakupin ang Pag-asa island, isang island barangay sa bahagi ng Kalayaan, Palawan.

Ayon kay DFA spokesperson Raul Hernandez, sa ngayon ay walang official pronouncement ang Beijing hinggil sa natu-rang ulat kung kaya’t iwas muna umano sila sa pagbibigay-pahayag.

“But we do comment on official pronouncement by governments all over the world that would affect the interest of the country. We don’t comment on news articles that have unnamed and unofficial sources,” ani Hernandez.

Una rito, nailathala sa state-owned China Daily Mail ang sinasabing “combat plan” umano ng Chinese Navy na pag-take over sa nabanggit na isla.

Layunin umano ng plano ay para mabawi ang teritoryong sinasabing ninakaw ng bansa mula sa Tsina.

Sa ngayon, namamayani pa rin ang territorial disputes sa pagitan ng dalawang bansa sa mga islang nasa bahagi ng West Philippine Sea.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.