‘Pinas at Taiwan, Dapat Kumalma – US

IKINABAHALA NG Estados Unidos ang umiigting na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan kasunod ng pagkamatay ng Taiwanese fisherman na si Hung Shi-chen nang barilin ng Philippine Coast Guard ang fishing vessel nito dahil sa pagbangga sa barko ng coast guard.

Sinabi ng US State Department na nangangamba ang Amerika na lumala pa ang hidwaan sa pagitan ng dalawang magkaratig na demokratikong bansa.

Ang Pilipinas at Taiwan ay kapwa malapit na kaal-yado ng Amerika.

Ayon kay  US State Department spokesman Patrick Ventrell, umaasa ang Washington na maayos ang anumang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Manila at Taiwan.

Umapela ito sa Pilipinas at Taiwan na kumalma at iwasan ang paggawa ng anumang hakbang na lalo lang makapagpalala sa tensyon.

Napag-alaman na humingi na ng paumanhin ang Pangulong Benigno ‘Noynoy; Aquino III sa pa-milya ni Hung, pamahalaan at mamamayan ng Taiwan kasunod ng pangyayari.

Samantala, bagama’t sinabi ni Taiwan Premier Jiang Yi-huah na “positive move” ang ginawa ng Philippine president, ibinasura nito ang katuwiran na hindi intensyunal ang pagkamatay ng kanilang mamamayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.