‘Pinas at SoKor, Nag-meeting Kontra Banta ng NoKor

NAKIPAGPULONG ANG mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa foreign ministry ng South Korea  kahapon upang pag-usapan ang banta ng North Korea na magsagawa ng “nuclear strikes”.

Sinabi ni Consul Roderico Atienza na siyang tagapagsalita ng Philippine Embassy sa Seoul na kailangan nilang malaman ang mga impormasyon mula sa mismong gobyerno ng South Korea upang pagbatayan ng susunod na hakbangin ng Pilipinas tulad ng posibilidad ng pagtataas ng alerto.

Samantala, nasa alert level 1 pa rin o “heightened alertness” ang Pilipinas sa South Korea na nangangahulugan na maging mapagmatiyag ang mga OFWs sa pangyayari roon.

Bagama’t ayon kay Atienza, base sa mga analysis ng mga eksperto at pananaw nila sa sitwasyon, maaaring pana-nakot lamang ito ng North Korea.

Gayunman, binigyang-diin ng opisyal na hindi nila batid kung ano talaga ang binabalak ng North Korea kaya’t ito ay kani-lang pinaghahandaan.

Sa ngayon, kasabay nito ay pinawi ng embahada ang pangamba ng mga kababayan sa bansa na may kamag-anak sa South Korea dahil normal pa rin aniya ang sitwasyon doon habang patuloy ang paghahanda ng pamahalaan para sa kaligtasan ng OFWs sakaling lumala ang tensyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.