Pinangakuan ng regalo Binatilyo, tinangay ng bading

NA-RESCUE NG awtoridad ang isang 15-anyos na binatilyo na pinaghihinalaang kinidnap ng isang bading at dinala sa San Policarpo, Eastern Samar.

Ayon sa Eastern Samar Police chief S/Insp. Steve Castillote III, naihatid na ang binatilyong pina-ngalanang “Boy” sa kanyang pamilya sa Tondo, Manila. Tinutugis na rin ang suspek na bading na si Rosendo Alano Mengullo alyas Cyrill.

Kuwento ng biktima, ipapasyal lamang daw siya sa Luneta ng suspek nang mapansin niyang malayo na ang kanilang binabiyahe. Ikinukulong daw siya sa kuwarto at ‘di pinalalabas.

Dagdag pa ng binatil-yo, lagi raw siyang pinapangakuan ng regalo sa dalawang linggo nilang magkakilala ng bading.

Napag-alamanan naman ng mga awtoridad na pang-apat na beses na nagdadala ng bata ang suspek at inuuwi sa Eastern Samar.

Kakasuhan si Mengullo ng kidnapping at illegal detention.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.