Pinalo ng bote ang ulo at naglaslas pa Mister, Nagtangkang Magpakamatay Matapos Makipag-Away Sa Misis

DAHIL SA matinding pagkadismaya sa pagtanggi ng kanyang misis na umuwi sa kanilang bahay, nagtangkang magpatiwakal ang isang mister sa Brgy. Tayhawan, Lezo, Aklan.

Sa pamamagitan ng basag na bote na pinalo nito sa kanyang ulo, nilaslas ng 23-anyos na mister, na tumangging magpakilala, ang kanyang kaliwang braso, isang araw mula nang umuwing bigo mula sa Capiz nang hindi sumama sa kanya ang misis nito.

Isinugod sa Aklan Provincial Hospital ang naturang biktima matapos makita ng kanyang mga kamag-anak na lasing at duguan.

Nabatid na matagal na umanong lumayas ang kanyang misis dahil sa pagiging lasengga nito na nagiging dahilan ng palagi nilang pag-aaway.

Samantala, nabatid rin na naglaslas ng kanyang tenga ang mister noong nakaraang taon matapos na magkaroon ng pagta-talo sa kanyang asawa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.