Pinalo ng Baril ng Holdaper; Binata, Putok ang Ulo

PUTOK ANG ulo ng isang binata matapos hambalusin ng baril ng isang holdaper na nambiktima habang naghihintay ng pasahero ang sinasakyan jeepney ng una sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Dinala sa Manila Central University Hospital upang magamot ang ulo ni Edwin Nerato, 20 ng Maria Hizon St., ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon, huminto ang sinasakyan jeney ng biktima sa 5th Avenue ng lungsod upang maghintay ng pasahero na sinamantala ng suspek na makasakay at matutukan ng baril si Nerato habang hawak ang Samsung Corby 2.

Nang kinukuha ng suspek ang cellphone ng biktima ay hindi agad ibinigay ng huli na naging dahilan upang ipukpok ang hawak na baril.

Mabilis na tumakas ang suspek nang makuha ang pakay habang dinala sa MCU ang duguan biktima.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.