Pinalaki lang ang isyu
PMA Pres., Binuweltahan ng Doktor na Nagkomento sa Kundisyon ni Pacman

UMALMA ANG doktor na nagbigay ng pahayag kaugnay ng umano’y i-

lang senyales ng Parkinson’s disease ni Manny Pacquiao sa tila pamemersonal sa kanya ng presidente ng Philippine Medical Association (PMA).

Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP) President at PMA member Dr. Rustico Jimenez, hindi na dapat umabot sa isang press conference ang naging pahayag niya kaugnay ng kundisyon ng boksingero.

Pinalalaki lang aniya ito ni PMA President Dr. Modesto Llamas bilang kampanya sa re-election sa asosasyon at pagtatakip sa pagkukulang nito.

Katuwiran ni Jimenez, ibang kandidato ang gusto niyang mamuno sa PMA.

Isiniwalat pa ni Jimenez na kabilang sa pagkukulang ni Llamas na dapat mas tutukan at pagsisiyasat  ang anya’y nawawalang P11 mil-yong pondo ng PMA.

Mayroon pa aniyang pekeng doktor na nakapasok sa PMA at naging opisyal pa.

Iginiit pa ni Jimenez na kung gusto lang malaman ni Llamas ang kanyang dahilan kaugnay ng pahayag kay Pacquiao, dapat ay ipinatawag na lang siya kahapon at hindi na nagpatawag ng media.

Muli namang sinabi ng manggagamot  na nagmamalasakit lang siya sa boksingero kaya nasabi ang opinyon tungkol sa kalagayan nito.

Una nang humingi ng paumanhin si Jimenez kay Pacquiao. Wala namang plano ang boksingero na kasuhan ito.

Samantala, nagpahayag kamakalawa ang PMA na ipatatawag nila si Jimenez para magpaliwanag sa naturang  isyu.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.