Pinakiusapang samahan matulog sa bahay Grade 6 pupil, hinalay ng kapitbahay

HINDI INAKALA NG isang grade 6 pupil na dalagita na maagang masira ang kinabukasan nito nang gahasain ito ng suspek matapos paunlakan ng una ang alok ng huli na samahan itong matulog sa kanyang bahay kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) Caloocan Police, na sinamahan ng kanyang ina ang biktimang si Jenny (‘di tunay na pangalan), 16, Grade 6 pupil, ng Marulas St., Caloocan City, upang pormal na magsampa ng kaso laban sa suspek.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na nakilalang si Milly Joe de Jesus, nasa hustong gulang, ng Marulas St., Caloocan City, na mabilis na tumakas matapos ang ginawang panggagahasa sa biktima.

Sa reklamo ni Jenny, dakong alas-5 ng umaga, napadaan ito sa tapat ng bahay ng suspek nang tawagin ito at pinakiusapan na kung maari ay samahan itong matulog sa kanyang bahay.

“Pagpasok ko po sa bahay ay agad niyang (suspek) isinara ang pinto at doon ay isa-isang hinubad ang aking saplot sa katawan, nanlaban po ako pero hindi ko siya kinaya, pinaghahalikan niya po ang buo kong katawan at pinaglalamas, saka ipinasok ang ari niya sa ari ko,” ani pa ni Jenny.

At nang marating ng suspek ang rurok ng kademonyuhan nito, pinauwi ang biktima at tinakot na huwag itong magsusumbong kanino man at kundi ay papatayin ito pati ang kanyang pamilya.

Iika-ikang umuwi ng kanilang bahay si Jenny, na ipinagtaka ng kanyang nanay, hindi na nagawa pang magsinungaling nang tanungin kung ano ang nangyari sa kanya at sinabi ang kahayupang ginawa ng suspek.

Agad na dinala ng kanyang ina si Jenny sa Philippine General Hospital at pina-medical. Luma-bas sa eksaminasyon na positibong ginahasa ang biktima, dahil dito, tumuloy sa nasabing himpilan ng pulisya ang mag-ina para magsampa ng reklamo laban kay De Jesus.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Pinakiusapang samahan matulog sa bahay Grade 6 pupil, hinalay ng kapitbahay

  1. Kung matinong bata ito, hindi nya pagbibigyan ang lalaki na samahan sya sa pagtulog kahit na kakilala pa niya ito. Sa panahon ngayon ay wala ka ng pwedeng pagkatiwalaan kahit pa kamag-anak mo. Marami tayong nababasa at nababalitaan na kaso ng incest lalong-lalo na sa mga probinsya. Dapat ang mga magulang ay laging pinaaalalahanan ang kanilang anak na babae para maging aware ang mga ito sa kalakaran ng mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.