Pinakasalan ni Sunshine Dizon, may anak sa ibang babae!

UMIIWAS PA RIN si Sunshine Dizon sa mga interview tungkol sa pagpapakasal nito sa isang piloto na si Timothy Tan.

Nakumpirma ang kasalang iyon nang nakuha ng Startalk ang impormasyon sa Civil Registrar’s office ng Pasig na pumirma sila roon sa kanilang Marriage Contract.

Pinagkaguluhan pa nga sila roon ng mga tao at kinikilig pa sila kay Tim na puwedeng-puwede raw mag-artista.

Ipinakilala sa amin ni Mommy Dorothy si Tim nang pinuntahan namin si Sunshine sa rehearsal ng Party Pilipinas.

Mukhang bagets pa nga ito pero kitang-kitang in love na in love ito kay Sunshine na lagi niya itong binabantayan. “Mahal” pa ang tawagan nila at doon sa rehearsal ipinakilala ni Sunshine si Tim sa mga kasamahan niya sa Party Pilipinas. Hindi ko lang napansin kung ipinakilala ba niya ito kay Iza Calzado na madalas niyang kasama sa production numbers nila.

Nu’ng Linggo sa pagsisimula ng Party Pilipinas, nakabantay pa rin doon si Tim kasama si Mommy Dorothy. Lagi lang itong nakangiti sa mga reporter na gustong mag-interview sa kanya pero tumatanggi ito.

Magmula nang lumabas ang tungkol sa kanilang pagpapakasal ay may mga naglabasan nang intriga sa kanilang dalawa at nakalkal ang buhay ni Tim.

May kumalat na mga tsismis sa internet na meron daw ibang babaeng karelasyon si Tim at naanakan pa raw niya ito. Iniwan na lang daw niya ito basta nang makilala si Sunshine. Hindi na raw nito sinusuportahan ang anak niya sa babaeng unang nakarelasyon.

Hindi itinatanggi ni Tim ang tungkol sa pagkakaron ng anak pero hindi naman daw niya ito pinababayaan. Wala namang keber si Sunshine sa ibang babaeng nakarelasyon ng kanyang asawa, basta natitiyak niyang wala siyang ibang inagrabyadong babae.

Sa nangyayari ngayon, mukhang sila na nga ang ginugulo dahil sa mga naglalabasang intriga.

Mukhang ginugulo na nga sila ng mga babaeng dating nakarelasyon ni Tim.

Pati ang pamilya ng lalaki ay nagugulo na rin dahil ang tsismis ay ‘di raw sila boto sa pagpapakasal ni Tim. Pero tahimik lang sila dahil hindi naman daw sila showbiz, ayaw na nilang makigulo sa mga ganu’ng intriga. Pero sabi sa amin ni Mommy Dorothy, okay ang kanyang anak sa pamilya ni Tim at doon nga raw sila magbabakasyon sa darating na Holy Week.

MARAMING MAGAGANDANG FEEDBACK kaming naririnig sa pagsisimula ng Party Pilipinas, pero may mga ilang komento na sana nga i-consider ng production staff ng musical variety show na ito.

Since party-party ang dating at supposed to be atmosphere ng show, tigilan na ang pagpapasayaw sa inimport nilang choreographer na si Fusion. Magturo na lang ito ng mga bonggang dance steps, huwag na siyang sumali sa mga nagsasayawang bagets gaya nina Mark Herras, Aljur Abrenica at marami pang mga young stars ng Kapuso.

Bongga ang dance number ni Mark at ang sexy ng dating ni Aljur kaya sana mabigyan pa sila ng magagandang exposure kasama na ang mga bagong stars ng Starstruck na magaling ding sumayaw.

Ang mga original hosts na sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Jaya at Janno Gibbs ay nakaposte na riyan. Kaya puwede silang ihiwalay at bigyan ng production number na nababagay sa kanila.

Kapag party-party na, nandiyan ang mga party jocks at isama na diyan ang mga bagets at bagong mukha na isinali rito gaya nina Elmo Magalona at Mark Bautista.

Ang susunod na episode ng Party Pilipinas ay sa Araneta Coliseum gagawin kaya dapat yanigin nila ang Big Dome sa party-party.

By Gorgy’s Park

loading...

9 thoughts on “Pinakasalan ni Sunshine Dizon, may anak sa ibang babae!

  1. Magpabuntis ka na agad Sunshine para hindi ka makagawa ng s how dahil nakakasawa na ang fez mo. Ikaw at si Wendell Ramos at Yasmien Kurdi!

  2. we like party pilipinas lalo na sasayaw si marian. sana magsayaw si marian ng solo kasama ang mga bata at si buboy.

  3. hoy timo, balikan mo na ang unang puke na nakantot mo. may tao nang lumabas dyan. kadugo mo yan kaya suportahan mo. huwag ka nang tumikim ng ibang puke na hindi busarga.

  4. timo, balikan mo na ang na-anakan mo. sa inaasta mong ganyan e lumalabas na bakla ka nga at takot sa responsobilidad. putang ina ka!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.