Pinakamahabang Peace Mural, Sinimulan na

SINIMULAN KAHAPON ang pagpipinta ng iba’t ibang larawan sa pader ng Camp Aguinaldo na nasa kahabaan ng EDSA.

Sama-samang nakiisa ang 44 na street children sa lakbay para sa kapayapaan sa EDSA na layong gumawa ng world record para sa pinakamahabang peace mural.

Bitbit ang mga paint brush at pinutol na plastic bottle ng mineral water.

Pinangunahan ng Asia America Initiative ang pagpinta sa peace mural na may habang apat na kilometro o ang buong pader na paikot sa Camp Aguinaldo.

May tema ang naturang mural na “Bayanihan, Kapayapaan at Kaunlaran”.

Sinabi ni Asia America Initiative Country Director Bai Rohaniza Sumndad Usman na plano na malagpasan ang mahigit isang kilometro peace mural ng Chile.

Nakiisa rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinangunahan ni Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista na sumadya pa para magpinta.

Umabot sa mahigit 1,000 ang mga nag-volunteer na pami-pamilyang nagtungo sa lugar.

Samantala, kasama rin dito ang mga may kapansanan na kahit naka-wheel chair ay nakiisa para makamit ang hinahangad na kapayapaan sa buong bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.