Pinakain sa restaurant, saka iniwan: Cast at Production Staff ng teleserye, naisahan ng malditang aktres

MAGDYOWA NA RAW sina Mariel Rodriguez at Robin Padilla.

‘Yan ang kumakalat na tsismis ngayon sa showbiz. Maraming beses na kasi silang spotted sa kung saan-saan. At tuwina, more than friendly ang kanilang kilos at galaw.

Ang latest na nagpakita ng sweetness ang dalawa ay noong mag-dinner sila sa Romulo’s Restaurant sa Quezon City. Last Wednesday lang nangyari iyon at ang nakarating sa aming tsika, dalawa lamang silang nag-dinner.

Last Sunday sa The Buzz ay inusisa ni KC Concepcion ang suot ni Mariel na singsing. Parang engagement ring kasi ang dating ng ring na iyon.

Two weeks ago, spotted sina Mariel at Robin sa surprise birthday party na ibinigay ni Binoe para sa kanyang anak na si Queenie. Maging si Queenie nga raw ay na-surprise nang sobra nang umapir si Mariel sa kanyang birthday party.

Anyway, mukhang tanggap na naman ng mga anak ni Binoe si Mariel, kaya walang magiging problema kung magdyowa na nga sila.

AFTER DIVA AY pahinga muna si Regine Velasquez sa paggawa ng TV show kaya sa Party Pilipinas na muna siya makikita.

Feeling ni Regine, hindi niya kakayanin ang straight drama.

“Hindi ko naman kayang magdrama. I mean, ‘yung ginagawa ko naman merong touch ng drama pero hanggang do’n lang. Pero kung everyday akong paiiyakin, baka dalhin ako sa hospital. Hindi ko kaya. Mawawalan uli ako ng potassium. I think I’m effective doing comedy kasi hindi naman ako natatakot na papangitin or madapa ako, masubsob ako sa cake. Wala akong pakialam,” esplika ni Regine.

Nakakaloka itong si Regine dahil laughing trip ang hitad nang hingan siya ng comment sa positive feedback ng team-up niya with TJ Trinidad.

“Nakakatuwa naman kasi bilang dyumojonders na ang lola n’yo, nawawalan na ako ng leading man. Natutuwa naman ako kasi bata pa itong si TJ, puwede kong pamangkin. ‘Di ba? Gusto mo ‘yon, puwede ko siyang pamangkin. Puwede niya akong tawagang ‘Tsang’. At least nakakatuwa na feeling nila na puwede pa kaming mag-work together,” sabi ng Songbird sabay hirit ng tawa na pagkalakas-lakas.

BLIND ITEM. TALAGA PALANG GALIT ang mga artistang nakasama ng isang nagmalditang aktres sa kanila noon.

One time kasi ay maagang natapos ang taping. Nagyaya raw ang aktres na bida na mag-dinner. Sama naman ang lahat ng artistang nasa cast pati na ang taga-production.

Noong nasa restaurant na sila, panay ang sabi ng aktres na umorder lang nang umorder ang mga inimbita niya. Makalipas ang isang oras, lumabas ang aktres sa restaurant. At hindi na ito bumalik.

Siyempre, naloka ang cast members at ang production people. Kasi naman, hindi pa bayad ang bill. At wala na nga ang aktres. Para maisalba sa kahihiyan ang kanyang mga kasama, ang magaling na character actress na lang ang nagbayad ng bill pero sumumpa siyang hindi na niya type makatrabaho ang aktres.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

33 thoughts on “Pinakain sa restaurant, saka iniwan: Cast at Production Staff ng teleserye, naisahan ng malditang aktres

    • Parang baliktad ang balita na nasagap namin. Kasi sabi sa amin, sa GMA, BYOB – “bring your own baon”.

  1. Hindi si Marian ito na gaya ng sinasabi ng detractors niya para namang iisa ang maldita sa mundo. GMA is known na alaga ang staff pagdating sa pagkain. Talagang bumabaha sa inumin at pagkain. Sino ba ang known na maski tubig ay hindi maofferan ang staff sa shooting?

    • bakit c marian lng ba ang maldita sa showbiz hindi nman ah!!!at tsaka hindi nya ugaling basta isahan ang kapwa nya!!!ang dami dami kyang pera nun teh!!!

  2. MGA TANGA..GAWA GAWA LANG YAN..ISA PA SINO NMANG TANGA NA MAGBABAYAD NG LAHAT NG KINAIN NYO..DI NMAN NYA CGURO BDAY! ANO KAYO SINUSWERTE?MGA FEELING NYO NMAN!PARE PAREHO LANG KAYONG NAG WWORK! KYA KAYO MAGSIPAG BAYAD NG KINAIN NYO!! AT FYI..HINDI SI ANGEL LOCSIN YAN DAHIL KUNG KAY LUISA MANZANO LANG EH MAS GALANTE SI ANGEL AT AYAW NYA IBINABAYAD SYA HANGGAT MAARI!! DAHIL KAYA NYA MAGBAYAD NHO!!

  3. kung si Marian eh di kasama si Dingdong dahil araw araw silang magkasama. kung hindi babayaran ni Marian, si dingdong ang talagang magbabayad. tsaka hindi gagawin ni Marian iyan.

    • Your are right. Saka sa GMA ay hindi bring your own cups, water, food, other utensils such as spoon,napkins, fork, etc. and baon, lahat ay libre at pakain ang mga staff, crew, celebrities and their staff, reporters also. Masarap ang pagkain at catering ng sikat na caterer pa. Sigurado iyan ay ABS- rubi-Angeline Panganiban and Cherry Gil or Shaina Magdayao.
      Kung si Marian iyan at hindi siya magbabayad ay nariyan si Dingodong. Kung BIR tax ay nababayaran niya at top taxpayer sa Mandaluyong iyong pa mga pagkain.
      Sa laki kita ni Marian I doubt gagawin niya.

    • tama ka jan!!!at tsaka hindi nman yun ugali ni marian….makikitid ang mga utak ng mga tao kasi….porket sinabing “maldita” c marian kaagad sasabihin…hay naku!!!

  4. Clue pa nga pelase. kasi pag sinabing maldita, si Marian lagi ang nasa isip nang tao.

  5. wala akong ma say sa blind item ek ek ng writer na ito. Lahat siguro ng character actress ay mababanggit dito. Huwag ng hulaan at nagloloko lang ang writer na ito may maisulat lang. Kung word “maldita” ay napakaraming maldita sa showbiz.

  6. wow wla man lng clue?? baka gawa gawa lng ni alex to para lgn my masabing my blind item? di man lng nag bgay khet isa.. heller d kme si madam auring pra mahulaan kung cno to noh.. sa dina dami ba nman ng artista ngyn maiisip b namen kung cno un?? this is just a fully made up story… !!

    • grabe ka nman!!!hindi ganun si marian!!oo may pagka-maldita sya pero hindi nman sya nanglalamang!!wag nga kayong manghuhusga agad!!ni wla ngang clue!!

    • Ang gma ay napapakain sa mga staff at crew. Balita ko sa kabilang estasyon ay brin gyour own baon and utensils.
      Baka s amagkaribal or tayo magkalayo.

      • Korek! Sa ABS daw kahit paper cup or plastic spoon and fork wala as in WALA! ajejejeje! Sa GMA sagana sa foods, may mga utensils, libreng water bukod pa sa dala dalang pagkain ng mga artista.

      • pero mas malaki ang TF sa abs cbn…malaki ang tf ng mga taga ABS na lumilipat sa gma 7

  7. From Kim_World

    [kim_world] our stand… and it hurts…Full View
    From: Donna Cortez Add to Contacts
    To: kim_world@yahoogroups.com

    ——————————————————————————–

    This is to break our silence…

    Alam nyo naman na hindi kami basta mapagpatol sa mga issues… lahat ng bagay binabalanse namin before kami maglabas ng opinion namin, transparent kami that we’ll support them sa lahat ng projects nila together or individual man yan… in fact, everytime na ****** ng nega ang issue naglalabas kami ng statement namin kung anu ang alam namin, coz we trust and have faith on them… na madalas na c anderson ang involve… we defend him sa abot ng aming makakaya para maliwanagan kayong lahat…

    WE LOVE KIM and WE LOVED ANDERSON for who they really are, not because of what they are in reel and real life…

    pinag isipan at pinag usapan namin ito ng husto at masinsinan at napakasakit man para sa amin pero we came to this decision:

    as a moderator and on behalf of all d kw execs, we are withdrawing our support to GERALD RANDOLPH OPSIMA ANDERSON, JR. from this moment…

    we’re not into the loveteam issues nor to their personal life and decision… sad to say mas may malalim at matinding reason kaming pinanghuhugutan. .. na hindi na kailangan pang i-elaborate. ..

    we’re not forcing anyone to stay or makisimpatya sa amin, karapatan nyo yan kung aalis kayo dito sa yg… wala ring sinuman ang may karapatang magcondemn sa decision namin… we are entitled to our own decision… walang tama o mali sa atin, it depends sa paninindigan natin…

    ang tanging magagawa namin / natin is to show our all out support for KIMMY… and pray na sana wag lang c kim ang laging ipinahaharap sa media…

    GOD BLESS US ALL!

    ————————————————————————————————————————————

    statement ng KIMERALD WORLD dati…. ngayon KIM WORLD NA LANG…. KIMERALD BAO’s dati ngayon KIMBAO’s na lang……

    • Who CARES? bakit? Ilan ba miyembro niyo? Mga makikitid talaga, kung ayaw nyo kay GERALD as if naman kayo lang supporter niya, marami pa rin fans si KIM at GERALD na ayaw magpatawag na KIMERALD kasi napakadegrading, mga asal kalye, ako i love them kahit sin0 partner nila,be open minded,karamihan ng KIMERALDS WARSHOCK

  8. TARANTADO KANG REPORTER KA WALANG KLUE KAYA KATHANG ISIP MO LANG HUWAG MO NGA KAMING PINAGLOLOKO.WALA KANG MAISULAT UMABSENT KA NA LANG

  9. BAKA SI VILMA SANTOS KASI GRABE DAW KURIPOT NOON.PERO HINDI NAMAN SIGURO KASI HINDI NAMAN MAPAGSAMANTALA SI ATE VI. SI ANGEL IYAN KASI MAPAGSAMANTALA DAW SI ANGEL.

Leave a Reply

Your email address will not be published.