Pinakahihintay na araw nina Ogie at Regine, tuloy na tuloy na!

SA WAKAS AY magkakatotoo na ang kasabihang “pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy” kina Ogie Alcasid and Regine Velasquez. Ogie recently announced their much-awaited wedding na magaganap sometime this year. Kung tutuusin ay kasal na lang talaga ang kulang sa long-time celebrity couple na ito dahil napawalang-bisa na last June 21 ang marriage ni Ogie kay Michelle Van Eimeren.

Nagkuwento si Ogie tungkol sa plano nilang kasalan, “Hindi malaking wedding. It’s just with close friends and family. Isang wedding na magugustuhan at ikasisiya niya. Hindi ko sasabihin ‘yung venue and date. Basta it’s going to be this year.” (Of course, naibalita na na sa December 22 ang kasal.)

Ibinahagi naman ni Ogie ang ilang detalye kung sino ang mga posibleng makasama sa wedding entourage. “Sharon (Cuneta) said yes already. Si Mr. and Mrs. Michelle Lhuillier. Then I already asked Manny Pangilinan tapos ‘yung iba hindi ko pa puwedeng i-announce kasi hindi ko pa nakakausap. Sa abay, si Noynoy ang isa sa mga abay ko. Nakausap ko na si P-Noy.”

If Ogie and Regine attended the wedding of Michelle and husband Mark Murrow in Australia where they had a special participation, may malaki rin kayang partisipasyon si Michelle sa kasal ng dalawa? “Actually, si Michelle ay magaling mag-organize at mag-ayos ng mga flowers so hiningi ko ‘yung tulong niya,” Ogie revealed. It is refreshing to see that Ogie, Regine and Michelle have become good friends. Patunay lang ito that all’s well that ends well. Darating din daw sa wedding ang kanyang mga anak na sina Leila at Sarah pati na rin si Mark.

Ogie and Regine have been playing sweet music together for a long time. Sabi ko na nga ba at sa bandang huli, the songbird and the songwriter will finally settle down. May napili na raw si Ogie na mga kanta for their wedding gaya ng Kailangan Kita, Walang Iba at Ikaw ang Aking Pangarap.

Wala rin daw katotohanan ang balitang buntis si Regine. Lahat ng mga nagmamahal ay gustong makasal at makasama forever ang taong kanyang minamahal. Ogie has a short but sweet message to his soon-to-be bride, “Kay Honey ko, salamat sa pagmamahal mo, sa paghihintay at sa pagiging patient mo.”

To Ogie and Regine, congratulations!

Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

7 thoughts on “Pinakahihintay na araw nina Ogie at Regine, tuloy na tuloy na!

  1. ,iM sO xCitEd!!.,
    aNg tgAl nLng hNintAy tOh nUh.., so pbAyAan nLng ntEn cLa., mgNg msyA nLng tAu 4 bOth of dEm., kNg ayW niO sA kNiLa,wg niOng pNcniN., hRapiN niO sRiLi niOng bUhAi..ok?!.,

  2. i love my idol and im happy after every thing happen ikakasal na ang songbird ko! buti na lang sinabi ni regine na huwag na kaming pumatols sa mga taong ayaw sa kanya kasi daw wala naman kaming magagawa dun! and vice versa! i thing she’s right she’s very nice and true person talaga!

  3. Bakit kailangan pang ipagsigawan ang kasalan na yan ni Ogie at Regine eh matagan na naman nakalublob sa putik ng imoralidad yan dalawang yan! Anong excitement doon?

Leave a Reply

Your email address will not be published.