Pinahuli ng mister ng karelasyon Kelot, Nagpatiwakal sa Loob ng Kulungan

 

PATAY ANG isang preso na nagpatiwakal sa loob ng bilangguan sa Zarraga, Iloilo.

Nakilala ang nasabing biktima na si Rommel Nabaunag, 30, tubong Tacloban City, pansamantalang nakatira sa Lapaz, Iloilo City, at empleyado ng isang lending corporation.

Ikinulong si Nabaunag noong Martes dahil sa kasong adultery kung saan mismong ang asawa ng babaeng karelasyon nito ang nagpahuli sa kanya sa mga awtoridad.

Sinabi ni PO2 Carlito Berte ng Zarraga Municipal Police Station na tinalian ng naturang bilanggo ang kanyang leeg gamit ang long sleeve ng jacket at itinali sa kisame ng bilangguan.                                                                                                                       Ang biktima ay dinala sa Iloilo Provincial Hospital sa Pototan subalit idineklarang dead on arrival.                                                                                                                                Depresyon ang pinaniniwalaang dahilan ng pagpapakamatay ng naturang bilanggo.

May iniwan itong suicide note subalit hindi maunawaan ng mga awtoridad sa Zarraga ang nilalaman nito dahil ito ay nakasulat sa salitang Waray. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.