Pinagtripan ng Kabataan Lolo, tigok sa bato

PATAY ANG isang 60-anyos na lolo matapos pukpukin ng bato sa bahagi ng Brgy. Dansolihon Cagayan De Oro City.

Kinilala ang biktima na si Roberto Loloy ng Brgy. Tignapoloan na nagtamo ng malaking sugat sa kanyang panga at ulo mula sa mga batong ipinukol sa kanya ng mga nagkakatuwaang kabataan sa Brgy. Dansolion.

Ayon kay PO3 Marcelino Escarpin, may hawak ng kaso mula sa Lumbia Police Station, papauwi na ang biktima mula sa kanyang pagpasyal sa anak na nakatira sa nasabing lugar nang mangyari ang insidente pasado alas-8 ng gabi.

Sinasabing mayroong mga kabataan na sakay ng dalawang motorsiklo ang dumaan sa biktima at agad itong pinagbabato ng mga malalaking bato.

Sa malas naman ay napuruhan sa ulo ang biktima sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon inaalam na ng PNP ang pagkakilanlan ng mga kabataang suspek.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.