Pinagtatakpan lang ni Charlene Aga Muhlach, may ibang babae?!

NAKAGUGULAT NAMAN, NA habang parehong ipinangangalandakan ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales na talagang okey at walang problema sa kanilang relasyon, mayroon pa ring mga sumisingit na mga balita na diumano’y mayroong ibang babaeng pinagseselosan si Charlene. Pinagdududahan tuloy, na gayon na lang kung pagtakpan ng dating beauty queen ang tunay na situwasyon, dahil mahalaga para sa kanya ang isang buong pamilya, lalo pa’t nagsisilakihan na ang kanilang kambal na mga anak na sina Atasha at Andres.

Puwede talagang pagdudahan ang pagtatakip ni Charlene, dahil kung ang mga dating kaibigan ni Aga ang tatanungin at magkukuwento, pupuwede raw hindi mambabae ang guwapong aktor, dahil tutok naman siya talaga kapag nagmahal.  Kaya lang, ang malaking problema ay kapag ‘yung ibang babae na ang nanunukso at lumalapit kay Aga.

Nu’ng wala pa raw asawa ang aktor, ang mga babae talaga ang pumipila para pansinin niya.

Ang maganda lang kay Aga, sinesegundahan niya ang pangangalaga ni Charlene sa kanilang pamilya.

Sobrang tutok daw siya sa kanyang pamilya, dahil ine-enjoy niya ngayon ang pagiging ama, na nakikita at nasusubaybayan niya ang paglaki nina Atasha at Andres. Lagi raw silang magkakasama sa bahay, at kung wala sila sa Manila, nasa Batangas sila sa nabili niyang mga lupain. Mapagmahal daw siya sa kalikasan, kaya iba ang pakiramdam niya kapag nasa bukid, at mayroon din daw siyang mga alagang kung anu-anong hayop, gaya ng mga ibon.

 

NAPAKAGANDA RAW NG teleseryeng Magkaribal ng ABS-CBN. Pero hindi na halos napag-uusapan ang kagandahan ng nasabing serye na ipalalabas pa lang, dahil sobrang nagpapaka-antipatika ang isa sa mga bida nito na si Gretchen Barretto. Nasapawan na ngang mapag-usapan ang isa pa ring bida, na si Bea Alonzo. Kasi nga, mas pinag-uusapan ngayon ang patutsadahan ng sister ni Claudine Barretto at ni Angelica Panganiban, nang dahil kay Derek Ramsay.

Nakaaawa siyempre ang live-in partner ni Gretchen na si Mr. Tony Boy Cojuangco at ang kanilang dalaga na ring anak, na si Dominique. Ang sagwa ng nangyayari ngayon, dahil masakit para sa mag-ama ang mga pambabatikos na naglalabasan ngayon tungkol kay Gretchen. Hindi kasi talaga makabubuti sa kanyang reputasyon bilang babae ang ginawa niyang pagbibiro kay Derek, na siyempre pa’y ikina-offend ni Angelica. Sobra kasing matabil ang dila ni Greta kapag iniinterbyu na siya at nasa harap ng kamera, kaya nalalagay rin siya sa alanganing situwasyon.

Parang hindi na isinasaalang-alang ni Gretchen ang mararamdaman ng mga taong nasa paligid niya na kapamilya at nagmamahal sa kanya. Kapag umariba ang kataklesahan at pagiging mapaglaro niya, sige lang siya nang sige. May kalandian ang dating ng pinasimulang intriga ni Gretchen. Grabe ang babaeng ‘yan. Sanay na siya sa ganyan.  Naglalabasan na ang mga panlalait na matanda na rin naman siya, kaya umayos din naman sana siya. Isa rin si Mommy Inday Barretto sa labis na nasasaktan kapag nagloloka-lokahan ang kontrobersiyal niyang anak.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

5 thoughts on “Pinagtatakpan lang ni Charlene Aga Muhlach, may ibang babae?!

  1. Kalalagpakan ni Gretchen one of these days…Mental! Masyado siyang bilib sa sarili niya at bilib sa ganda daw niya. Kaya nga ganyan na ang looks niya eh. Pathetic na at desperate…sad to say.

  2. HUWAG NGA NINYONG SIRAIN ANG MAGANDANG RELASYON NG DALAWANG ITO.HINDI GAGA SI CHARLENE TULAD NI LANIE MERCADO NA KAHIT MAMBABAE SI BONG AY OKAY LANG SA KANYA BASTA PATULOY ANG PERANG DUMARATING NA GALING SA PAGNANAKAW NILANG MAG ASAWA.NAGING KABIT PALA NI BONG SI RUFFA.CHEAP PALA ITONG SI RUFFA AKALA KO BA STRICT ANG NANAY NIYA.BAKA OKAY LANG BASTA MAY PERA.TOTOO BANG NAGING PROSTI DIN ITO NG MGA ARABO.SI LOLIT SOLIS KO NARINIG IYAN.BRUNEIYUKI

Leave a Reply

Your email address will not be published.