Pinagtataasan ng kilay Solenn Heussaff, pinalitan si Anne Curtis sa sexy calendar!

BLIND ITEM: ISANG latest as in bago ang aming itsitsikang blind item sa inyo today. Yes, sariwa at hindi bilasa dahil nga ilang araw lang ang nakakalipas. Tungkol ito sa isang male talk show host, na minsan isang madaling-araw, bandang 3 a.m. ay may nakakita sa kanya sa isang resto na kumakain kasama ang dalawang lalaking bagets.

Ayon nga sa aming source ay maingay ang male TV host na dumating sa resto bitbit ang dalawang guwapong mukhang mga modelo. Ang ingay na dala ng tatlo ay dahil pala sa espiritu ng alak. Yes! Lasing na lasing daw ang grupo kung kaya  naman hindi alintana ang ingay.

At ang ibang customers na nandoon ay galit na dahil sa sobrang ingay. Sigawan, harutan, asaran at kung anu-ano pa. Malakas na kuwentuhan na siguradong apektado ang mga katabing table.

“Kung hindi ako napigilan ng mga kasama ko, aawayin ko sila,” say ng aming source.

“Pinag-uusapan lang naman nila ang mga kalandian nila sa event na pinuntahan nila,” sey pa niya.

Ang tanong, bakit mga guwapong bagets ang karay-karay ng male talk show host?

At ‘yung  pangyayayaring ‘yon ang makapagsasabi kung ano ba ang kulay ng ating bida. Kung sa bagay, matagal nang kinukuwestiyon ang gender niya… ‘Yun na!

Basta ka-initial ng name niya at apelyido ang pangalan ng isang grupo ng banda noong mga dekada 70’s or 80’s.

‘Yun na! More clues pa ba?

 

“KAY NANAY KO iaalay ang award,” sagot ni Boy Abunda. Nang tanugin siya kung para kanino ang Hall of Fame award para sa Best Showbiz Talk Show Host ng PMPC Star Awards for TV na igagawad sa kanya sa Novemebr 22 sa Resort World Theater.

Maligayang-maligaya si Kuya Boy sa award na tatanggapin niya mula sa PMPC dahil hindi niya sukat akalain na 15 awards na pala ang kanyang tropeo bilang pinakamagaling  na TV host.

Ang bilis ng panahon. Hindi lingid sa lahat na nagsimula ang TV career ni Kuya Boy sa GMA-7 bago siya naging ABS-CBN 2.

Naaalala n’yo pa ba ang Show and Tell ni Kuya Boy noon with Gretchen Barretto. Sa totoo lang kahit naman kanino itambal ang mahusay na host ay masasabi mong keri o may chemistry agad na magaganap.

Hanggang sa magkaroon na siya ng Startalk sa GMA-7 at  ngayon nga ay sa The Buzz, Bottomline at ang Bandila. Pero laging sinasabi niya na hindi niya pinangarap na maging talk show host dahil nga isa siyang PR man noong nagsimula ang lahat.

Congrats, Kuya Boy!

 

MARAMI ANG NAGTAAS ng kilay nang malaman nila na after Anne Curtis na modelo ng Ginebra San Miguel ng 2011 ay kasunod naman ng 2012 ay itong si Solenn Heussaff.

Bakit daw mukhang paurong? Ang layo nga naman kasi ng agwat kung kasikatan ang pag-uusapan. Ibang level na raw si Anne. Nagtipid daw na ba ang mga taga-San Miguel?

Pero kung kaseksihan naman daw ay may laban naman daw si Solenn. At okey naman ang kanyang vital statistics.

At ayon pa sa kampo ni Solenn, wala raw retoke o ‘salamat po doc’ sa kanyang katawan. All original, walang peke.

Ang hindi alam ng magkabilang kampo ay magkaibigan ang dalawa. At dyowa pa ni Anne ang kapatid ni Solenn.

Naku, kayo na nga ang humusga, abangan n’yo ang mga kalendaryong maglalabasan bago mag-2012.

Si Anne ba o si Solenn ang mas sexy?
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

12 thoughts on “Pinagtataasan ng kilay Solenn Heussaff, pinalitan si Anne Curtis sa sexy calendar!

  1. hello. c andrea mukhang katulong? if only you knew! makita mo lang sya sa personal ang ganda mukha nya at katawan. akala ko nga dati di sya maganda pero nung nakita ko sya nanood ng sine i’ve been proven wrong.

  2. @Sinech Uten – I’M SURE MAS MAGANDA PA ANG PUWET NI ANDREA DEL ROSARIO SA IYO………..HAHAHAHA……….DAPAT TALAGA PALITAN NA SI ANN SUPER BOBA EH……….HAHAHAHA

  3. @malay———- bawal po ba mag comment? hehehe kagaya mo masarap din kasi magbasa ng mga comment ninyo kung alam mo lang kung paano ako tumawa nakaka aliw kasi kayong mga girls eh kung pwede ko lang kayo halikan lahat ginawa ko na hehee….

  4. yes!!!! me bago naman akong apple of the eye hahaha!!!! si solenn ang bagong babae na isasabit ko sa wall ko masarap yata mag dota pag bago hehehe… buti naman at pinalitan na si ANNE CURTIS hindi na kasi exciting ang katawan niya lalo pat FLAT BUM siya nakakasawa ng tignan ang buong katawan niya unlike ke ANDREA del R. na maganda ang katawan at ang pwet syet!!! ang sarap pisil-pisilin hmmmmmm…..Sana maghanap pa sila ng mga fresh na fresh na babae puro kasi mga laspag walang balakang at flat ang pwet karamihan sa mga calendar girl nila nakakawalang ganang mag dota hehehe…

Leave a Reply

Your email address will not be published.