Pinagtaguan ng ka-eyeball, nag-suicide

PINANINIWALAANG SA sobrang kahihiyan nang agad i-turn down ng kanyang textmate kung bakit winakasan ng isang binata ang sariling buhay sa bayan ng Baao, Camarines Sur.

Sa sketchy report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti na si Jonathan Baralo, 28-anyos, ng Sitio Generes, Baao, Camarines Sur.

Sa ulat ng pulisya, madaling-araw nang madiskubre ng isang Domingo Trillanes, jeepney driver, ang kanyang kaanak na si Jonathan na nakabitin sa isang Malobago tree.

Una rito, nakipagkita pa umano si Balaro sa kanilang textmate ng kaibi-

gang si Anthony Meldivaua, subalit mistulang pinagtaguan ang mga ito ng babaeng ka-eyeball.

Bagaman nakausap ay sandalI lamang at nang pauwi na ay nagbitaw ang biktima ng mga katagang “Bukas, hindi ko na alam kung nasaan ako.”

Kinaumagahan ay nakita na lamang na wala nang buhay si Jonathan bunsod ng pagbigti sa sarili gamit ang nylon cord sa nabanggit na puno.

Patuloy naman ang imbestigasyon kung may foul play sa pagkamatay ni Jonathan.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.