Pinagmulan ng pekeng SARO, tauhan ng Kamara

KINUMPIRMA NI House Speaker Feliciano Belmonte na isang taga-House appropriations committee ang pinagmulan ng pekeng special allotment release order (SARO).

Sinabi ni Belmonte na ito ay base sa paliwanag sa kanya ni Cagayan Rep. Aline Vargas Alfonso na ang chief of staff na si Enrico Arao ay nagpunta sa NBI para magpaliwanag sa nasabing isyu ng pekeng SARO.

Si Arao umano ay kaibigan ng isang lalaking taga-appropriations committee na pinanggalingan ng pekeng SARO.

Ang lalaking ito ay dati rin umanong empleyado ng mga dating kongresista.

Ayon kay Belmonte, tukoy na niya kung sino ang taga-appropriations committee na ito at kinausap na niya agad ang superior nito.

Balak ni Belmonte na magkaroon ng internal investigation sa isyu, pero mas gusto muna nito na paunahin ang NBI sa pagsisiyasat para malaman kung isolated case ang fake SARO o kung mayroon pang ibang rehiyon na nakatanggap nito.

Inaatasan ng opisyal ang mga taga-Kamara na lubos na makipagtulungan sa NBI at tiyaking available sa pagsisiyasat ang sinumang madadawit sa naturang isyu.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.