Pinagmukhang nakakulong ang asawa Sunshine Dizon, galit na galit!

GALIT NA GALIT si Sunshine Dizon sa Showbiz Central nang magpa-interview sa Startalk nu’ng kamakalawa ng hapon.

Napanood kasi nila ang plug ng Showbiz Central na ipinakita ang kuha nila sa asawa ni Sunshine na si Timothy Tan na parang nasa loob ng rehas.

Kinunan pala nila si Tim sa may gate nang pumunta sila sa bahay nito sa Pampanga. Hindi nagpa-interview si Tim, pero hinarap naman sila. Kaya lang ang kuha nila, parang nasa loob ng rehas na parang nakakulong.

Ang daming kamag-anak daw ni Tim ang nakapanood na ang buong akala nila, nakulong ito dahil sa aksidenteng nabangga ang isang babae na ikinamatay nito.

Nu’ng na-interview namin via phone patch, galit ang aktres na nagsalita na sana hindi ito ginawa sa kanila ng Showbiz Central dahil hinarap naman daw sila nang maayos ng asawa niya. Ang dami raw tuloy nag-alala dahil ang buong akala nila, nakulong ito.

Naayos naman daw nila ang babaeng nabangga ni Tim kaya hindi ito nagsampa ng demanda. Kaya sana, inayos naman daw ng Showbiz Central ang medyo nakakalitong plug na inilabas nila.

Kinumusta na rin namin kay Sunshine ang kalagayan nito at okay naman daw siya, pero talagang na-trauma raw siya sa nasaksihan niyang aksidente kaya patuloy pa rin itong minu-monitor ng kanyang doktor.

Sa December 17 daw ang susunod niyang check-up at magpapa-ultrasound daw ito. Malamang na malalaman na raw kung ano ang kasarian ng baby na dinadala niya.

Ang expected due daw nito ay sa April 28 kaya pinag-iingat pa rin ito.

SA HULING INTERVIEW ng Startalk kay Regine Velasquez, nilinaw nito ang isyung pagli-live-in nila ni Ogie Alcasid.

Sinabi niyang engaged na sila ni Ogie nang napagkasunduan nilang mag-live-in na. Sa bahay sila ni Regine at sabi nga nito, bahay na rin daw iyun ni Ogie.

Tatlong taon na pala silang nagli-live-in at tingin daw nito, mas okay ang ganu’n para lalo nilang makilala ang isa’t isa. Ang dami raw niyang natutunan nang makipag-live-in na ito, lalo na ang pagluluto. Ang dami nga raw niyang nilutong type na type ni Ogie, kaya talagang natutunan na nito ang mga trabaho niya bilang asawa bago sila magpakasal.

Sabi pa ni Regine, adjustment daw nila halos araw-araw iyan, pero at least kilala na raw nila ang isa’t isa at lalo raw niyang minahal si Ogie. Siyanga pala, pagkatapos ng kanilang kasal, magbabakasyon daw sila sa Bohol, dahil dadalhin nila doon sina Michelle Van Eimeren at ang dalawa nilang anak.

Ipinangako raw kasi nina Regine at Ogie sa asawa ni Michelle na si Mark Murrow na ililibot nila ito sa Pilipinas para makita raw nito ang mga magaganda nating beaches. Isa na nga rito ang Bohol.

Kaya baka isipin daw ng iba na kasama pa sina Michelle sa kanilang honeymoon, hindi pa raw ‘yun. Kasi ang balak talaga nilang honeymoon ay sa Italy na gagawin nila ito pagkatapos ng taping ni Regine sa I Heart You Pare.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

11 thoughts on “Pinagmukhang nakakulong ang asawa Sunshine Dizon, galit na galit!

  1. Dapat naman magmukhang nakakaulong yan noh.. dapat nga ikinulong talaga yang mister mong reckless. Tapos nag ngiyak ngiyak ka pa dyan na kesyo mukhang nakakulong mister mo?? pwede ba! Wla kang career. wag ka na bumalik sa showbiz dahil wala ka paglalagyan! Baboy ka!

  2. Ang sunshine na to na wala namang career eversince eh nag iinarte pa. Hoy babaeng may asawang kriminal..wala kang karapatang magalit sa showbiz central. Mabuti nga di ikinulong asawa mong reckless na kriminal..pasalamat kayo may pera kayong pinambayad sa pinatay ng asawa mo kundi kulong naman talaga yan noh! mga reckless. makarma ka sana. wala ka nang babalikan sa showbiz ..manganak ka na lang ng manganak yan ang bagay sau.. mukha ka namang nanay na dati pa kahit di ka pa nabuntis..losyang na katawan mo.

  3. ang kapal nga ng mukha ng sunshine lasinggang yan! Nakasagasa nangat nkapatay asawa nya cya pa 2ng galit… Ang bobo nya natural magmumukhang nakakulong ang asawa nya kasi d nya hinarap ng maayos ang showbiz central. D man lang lumabas ng gate o pinapasok ang reporter while the interview was going on ngmukha tuloy nakakulong asawa nya. Hindi na yan kasalanan ng showbiz central noh! At sa palagay ko dapat talaga nakakulong asawa nya dhil nkapatay cya! Timothy tan mamamatay tao, criminal… Iniwanan ba nman yung nghhingalong sinagasaan at inuna pang itakbu sa hospital ang nag iinarteng sunshine dizon. Bad decision, he might have been save the life of the victim if he havent run. Khit d nya pasakayin sa car nya Pwdi naman cguro cyang tumawag ng taxi that time para itakbo ang biktima sa hospital… Ikulong na nga ang criminal na yan, isama nrin ang bobong sunshine na yan.

  4. pahabol: sana rin nausisa kung mag kano blood money binigay! bka naman nkipag tawaran pa sila sa pamilya dahil mahirap nga lng ito. kapal nyo. sobrang kapal. ar sa buntis issue mo naman, hindi interesado ang tao sa inyo pang dagdag sahog ka lng sa mga pwede maibalita sa showbiz! sana Ms. Lolit maiparating sa knila ang mga comments na ito.

  5. napanood ko yun! kapal mo sunshine pasalamat k nlng at nag ka exposure k pa! same network naman kayo kung mag inarte ka! buti nga di nakulong asawa mo. at pasalamat ka pa ulet dhil mal edukado ang nabiktima nyo! dpat dto sa bansa natin once nkapatay aksidente man o hindi dpat ay makulong at tulungan lumaban ang mga taong wlang muwang sa batas! hindi yung dinadaan lng sa blood money! laos kna sunshine at wag ka mag feeling ala judy ann santos n kht nanganak na ay piyesta pa rin sa press kht san man network! ayusin mo asal mo! tamaan ka naman laos! o sino pa mag iinarte jan??? shobiz central tirahin nyo yan!

  6. Kung totoo man ang news na ito, sana si Sunshine huwag nang mag enarte at mag over acting na maski maliit na bagay pinalaki pa, someone has to be sensitive here, ang masakit dito ay may pamilyang namatayan ngayong pasko at kong tutuusin nga dapat makulong ang husband ni Sunshine pero dahil sa datung, yon na naman nakalaya, pero kong isa pang pulubing driver ang nakapatay, ayon kulong na kaagad. Sa Pinas, money is the answer to everything kaya pulubi ngayon dahil sa mga taong walang kunsensiya at mga politikong kurakot ng pera na para sana ipaunlad ng Pinas para walang maghihirap. How sad, disgusting at nakakahiya!

  7. sabagay sana sa pagpapa interview, be sensitve rin sa sinasabi kasi may namatayan and malaking bagay rin un kasi artista si sunshine, kahit pa buntis siya at OA ang dating, she should not be over reacting dun sa issue kasi accident din yun at kahit na settle na with the family of the victim, be humble din na may part pa rin ung asawa nya sa nangyari kahit ba accident un…

  8. Saksakan ang angas at yabang ang hinayupak na Sunshine Dizon na ito. Mas inisip pa ang public image at ang ka-leche-hang pag-alala kuno ng mga kamag-anak nila na baka isiping nakakulong ang asawa niya na tila ba Prinsipe ng kanilang angkan! Yun lang nag-alala siya at galit na galit siya? Parang tangaaaa! ke liit liit na bagay ang dali daling ikorek sa kausap na kamag-anak kung nag-“alala” nga kuno!

    Nag-alala ba siya sa buhay na namatay? Sa pamilyang naiwan? Ni hindi man lang malungkot na may namatay. Porket ba mahirap?

    Hindi lang selfish… Malaki ang sapak sa ulo nitong si Sunshine … kelangan ng tulong! Masama ang pagpapalaki ng ina.. sagwa ng ugali! grabeeee…

Leave a Reply

Your email address will not be published.