Pinaghubad ang mga aspirants na CAT officers 2 Reservists, inireklamo

NAHAHARAP SA kontrobersiya ang isang training officer ng Vintar Academy sa Vintar, Ilocos Norte matapos ireklamo ng pambababoy sa 18 aspirants ng Citizen Army Training (CAT) officers ng paaralan.

Si Jonathan Calaramo, isang reservist ng 101 Reserve Command na nakabase sa Camp Cat. Valentin S Juan ay nakatakdang imbestigahan dahil sa naging utos umano sa mga aspiring CAT officers na maghubad o tanggalin ang pang-itaas na damit.

Ang nasabing kautusan ni Calaramo sa mga estudyante ay bilang parusa sa hindi pagsunod sa kautusan ng training officer na sasali sila sa isang search sa eskwelahan.

Kasama ni Calaramo na inireklamo ng mga aspiring officers si Victor Reyes na isa ring training officer.

Nag-iinuman umano ng alak sina Calaramo at Reyes nang ipag-utos sa mga estudyante na tanggalin ang pang-itaas na damit.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.