Pinaghinalaang dinukot Dalagita, Sumama Lang Pala sa BF

HINDI BIKTIMA ng pandurukot ang isang 15-anyos na dalagita sa Negros Occidental na naiulat na nawala kamakailan.

Napag-alaman mula kay S/Insp. Mary Rose Pico, hepe ng Pontevedra PNP, sumama sa kanyang nobyo ang dalagita na umuwi sa Dipolog City.

Aniya, mismong ang ina ng biktima ang naghatid ng impormasyon sa mga awtoridad kahapon na nasa maayos na kalagayan ang kanyang anak. Ito’y matapos na ang anak ay nakipag-ugnayan sa kanyang mga magulang at sinabi ang totoong nangyari.

Una rito ay naalarma ang magulang ng dalagita matapos hindi na ito nakabalik sa kanilang bahay makaraang inutusan na magpadala ng dokumento sa isang courier company.

Nakatanggap din sila ng mensahe na humihingi ng P1 milyon na ransom.

Nagduda naman ang mga kinauukulan dahil walang batayan upang dukutin ang menor de edad dahil nagtatrabaho lamang sa taniman ng tubo ang mga magulang nito at mula lamang sa mahirap na pamilya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.