Pinaghihinay-hinay sa expose: Bishop Cruz, nilapitan ng kaanak ni P-Noy

ISA SA MGA malalapit na kamag-anak ni Pangulong Noynoy Aquino ang nagpahayag kay Archbishop Oscar Cruz na maghinay-hinay sa paglalantad hinggil sa iligal na Jueteng, sa ginawang pagdinig sa Senado kahapon.

Sinabi ni Cruz na lumapit sa kanya ang businessman at malapit na kamag-anak ni P-Noy na si Antonio “Tony Boy” Cojuangco at nagwika ng mga katagang “take it easy.”

“Meron pong pumunta sa akin…’to take it easy’ ang substance,” ayon kay Cruz sa naging testimonya nito sa Senate blue ribbon, local government and rules committees.
Ito ang naging kasagutan ni Cruz sa naging tanong ni Senador Jose “Jinggoy” Estrada, kung mayroon mang malapit sa Pangulo, kaibigan o kamag-anak, na lumapit dito upang huwag idawit ang pangalan ni Interior Undersecretary Rico Puno sa nasabing iligal na Jueteng.
Hindi naman matandaan ni Cruz ang pangalan ni Cojuangco kung saan ang binanggit lamang nito na ang huli ay kasalukuyang karelasyon ng aktres na si Gretchen Barretto.

“‘Yung babaeng artista. ‘Yung panganay,” ani pa ni Cruz.
Sa tanong ng senador kung ang tinutukoy ba nito ay si Gretchen Barretto, “‘Yun po… ‘Yung partner niya,” mabilis na sagot ni Cruz.
“In substance [sa sinasabi ni Cojuangco] ‘be easy.’ Hindi ako nangako na susundin ko siya,” dagdag pa ng bishop.

Kinumpirma naman ni Puno na magkaibigan sila ni Cojuangco, ngunit itinanggi nitong nakipagkita ang huli kay Cruz.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Pinaghihinay-hinay sa expose: Bishop Cruz, nilapitan ng kaanak ni P-Noy

Leave a Reply

Your email address will not be published.