Pinaghihinalaang Scammer, Napigilan ng Sun Cellular

MAY ISA na namang pinaghihinalaang scammer na naga-apply ng postpaid subscription ang nahuli ng Sun Cellular sa isa sa mga business offices nito sa Metro Manila.

Ang pinaghihinalaang nanlolokong aplikante ay nahuling nag-a-apply ng postpaid plan sa iba’t ibang Sun Shop outlets. Ang suspek ay nagsusumite ng mga pekeng dokumento sa ilalim ng hindi nito tunay na pangalan upang makakuha ng mamahaling smart phone na may kasamang postpaid subscription.

Ayon kay Reuben Pangan, tagapagsalita ng Sun Cellular, ang kanilang anti-fraud campaign ay naglalayong pigilan ang naglilipanang mga nanlolokong aplikante ng postpaid lines. “Ang mga suspek kasi sa ganitong panloloko ay hindi lang nakakaapekto sa negosyo, nakakaapekto din sila sa mga taong nabibikitima nila ng identitify theft at ng iba pa nilang modus operandi.”

Ayon pa kay Pangan, ang suspek ay nahuli sa isang shopping mall sa Quezon City. “Agad na inalerto ng customer service representative namin ang security department namin, pati na ang mga guwardya ng mall ng nakumpirma nila na ang suspek ay kabilang sa aming fraudster list,” paliwanag nya.

Magsasampa ang Legal and Regulatory Divison ng Sun Cellular ng kasong Estafa at Falsification of Public Documents laban sa suspek.

Simula pa lamang ng taon ay naghain na ng mga kaso ang Sun Cellular laban sa mga indibidwal na pinagsususpetsahang nagpasa ng kahina-hinalang subscription applications upang makakuha ng lib-reng handsets at libreng network usage na kaakibat ng mga subscription plans.

Ayon pa sa Sun Cellular, ang kampanya na ito laban sa mga kahinahinalang mga postpaid applications ay para rin masiguro na hindi magamit ang mga makukuhang subscription sa mga gawain ng mga naturang suspek.

(M.S.)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.