Pinaghahanap na Israeli, Tiklo ng BI

NATIKLO ANG isang Israeli national na sinasabing pinaghahanap sa kanilang bansa hinggil sa check clearing scam na umabot sa milyong dolyar at nagtago sa PIlipinas gamit ang pa-ngalan ng kapatid.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) officer-in-charge Siegfred Mison, pugante umano sa Israel si Niv Borsuk, alyas Tamir Borsuk , 35, ay natunton sa Makati City noong nakalipas na linggo, ng mga operatiba ng BI fugitive search unit.

Inisyu ni Mison ang arrest warrant para kay Borsuk kasunod ng inilabas na summary deportation order ng BI Board of Commissioners kaugnay sa pagiging “fugitive, overstaying and undocumented alien” nito.

Nasa rekord umano ng Interpol red notice si Borsuk na nagtatago sa pagkikilanlan at passport ng kapatid na si Tamir nang magtungo sa bansa noong taong 2010.

Nakansela ang passport na gamit ni Borsuk nang iulat ni Tamir na nawawala ang kanyang passport na ginamit naman ng salarin.

Lumalabas sa impormasyong galing sa Interpol na sangkot si Borsuk sa mga kasong multiple counts of fraud na nagsimula  noong 2009 hanggang 2011.

Samantala, sa lalong madaling panahon ay ipatatapon pabalik ng bansa ang naturang banyaga.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.