Pinagbintangan na nagnakaw ng balut Pulis, nambangga ng kalugar

INIREREKLAMO ANG ISANG miyembro ng Philippine National Police (PNP) ng pananakit at pananakot ng kanyang kalugar makaraang banggain ng una ang huli nang pagbintangan itong nagnakaw ng balut kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Ang suspek ay nakilalang si P02 Dennis Custodio, nasa hustong gulang, may-asawa, naka-assign sa PNP-National Capital Region, residente ng No. 234 PNR Cmpd., Brgy. 73, Caloocan City at nahaharap sa kasong Physical Injuries at Grave Threat.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng umaga nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng suspek sa naturang lugar.

Base sa reklamo ni Erwin Manuel, 20, ng No. 165 PNR Cmpd. naglalakad ito kasama ang kanyang kaibigan na si Archie Dulay, nasa hustong gulang, nang mapadaan sa tapat ng bahay ng suspek.

Hinarang ang mga ito, sabay binunggo ni Custodio si Manuel saka sinapak at tinakot.

Dito, agad na tumungo sa nasabing himpilan ng pulisya ang biktima upang pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Sa panig naman ni Custodio, kinompronta lamang nito ang biktima nang pagsabihan siya ng “P… I… mo! Magbayad ka ng balut na ninakaw mo, gago ka.”

Kaugnay nito, kapwa naka-kontra-demanda ang suspek at ang biktima.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.