Pinagbakasyong aktres, laman ng casino! – Ogie Diaz

BLIND ITEM:  TILA masyado nang ine-enjoy ng isang bagets actress ang kanyang “freedom” matapos siyang kusang pagbakasyunin sa isa niyang show dahil sa unprofessionalism.

O, ayan, ha?  Meron na kayong clue.  Anyway, isang gabi ay naispatan siya ng aming Parazzi Girl na aba, pumipindot-pindot ng slot machine sa casino sa Angeles City, Pampanga.

Hindi lang alam ng aming source kung magkano ang naipatalo ng aktres, pero ang nasiguro lang niya, sobrang enjoy si girl sa paglalaro dahil kasama ng ilang barkada ang kanyang pagka-casino.

Oh, well…’wag umasa ang young actress na siya’y may babalikan pa ‘pag gusto na niya, ha?  Baka meron nang pumalit sa trono niya na mas sariwa at mas mura.

Pag bumalik siya’t hindi na tinanggap, isa lang ang ibig sabihin niyan:  “lumubog na ang araw” niya.

NAGKABALIKAN NA BA sina Robin Padilla at Kris Aquino?  Baket, naging sila ba?  Actually, ang alam namin, sa totoong buhay nu’ng araw, naging sila, pero naudlot ‘yon.

Pero ngayon, magkakatotoo na.  Kaso, hindi sa tunay na buhay, kundi sa teleserye lang.  Oo, totoo.  Si Robin ay nagbabalik-ABS-CBN na via a teleserye.

Ewan kung totoong “Kung Tayo’y Magkakalayo” ang title ng teleserye na hango sa awitin ni Rey Valera.  Ang makakasama nila rito ay sina Gerald Anderson at Kim Chiu, kaya feeling namin, patok na patok ito sa masa.

Si Robin, in fairness, kahit naman dalawang teleserye na ang nagawa niya sa Channel 7 ay hindi naman nagsunog ng tulay ‘yan, eh.  Saka maganda image ni Robin ngayon.

At ‘yan ay mahahalata mo sa rami ng kanyang endorsements.  At hindi naman nakapagtataka na blessed si Robin, dahil alam n’yo ‘yang taong ‘yan, sobrang daming tinutulungan.

Kurek. At ‘di ba, meron pa siyang school na siya ang sumasagot ng mga pangangailangan ng mga bata?  Bukod pa diyan ‘yung mga kaibigan niyang hindi niya mapahindian kapag nangangailangan.

Kaya nga minsan, sa pag-uusap namin ni Robin, nasaksihan namin kung ilang tao ang lumalapit sa kanya para humingi ng tulong, sabi namin sa kanya, “Alam mo, hindi ka talaga yayaman.

“Kasi, itinutulong mo rin eh.”

Ang nasabi lang ni Robin, “’Yan ang ating tadhana, ‘Tol, kaya wala tayong magagawa.  Basta ‘wag lang tayong mauubusan ng itutulong, tutulong at tutulong ako!”

Ganyan si Robin at ilang beses naming nasaksihan ang kanyang pagtulong sa kapwa nang hindi na niya ipinagmamakaingay pa.

PANSININ N’YO ANG aming kumareng si Kris Aquino, huh!  Mukhang ang sipag-sipag niyang mag-work.  Gabi-gabi, meron siyang SNN with Kuya Boy Abunda. Tapos, tuwing Sunday naman ang The Buzz.

Ngayon, me gagawin namang bagong teleserye.  Aba, bakit kaya ganu’n kasigasig ang aming kumare?  Tama ba ang aming dinig na naringgan si Kris ng isa naming source na, “Kailangan kong mag-work to death to be able to help Noynoy for his campaign.  Kailangan, ako mismo, maka-raise ng funds for him!”

Nakakalokah, ibinenta ni Kris ang isa niyang bahay at ang napagbilhan no’n, contribution niya sa campaign ni Noynoy.  Tapos, meron pang share si Noynoy sa suweldo niya sa ABS-CBN at sa mga product endorsement niya.

‘Yan ang magkapatid.  Na sa lahat ng oras, damayan.

At in fairness, big factor si Kris kung sakaling mag-win as President si Noynoy.

‘Wag n’yong kakalimutang makinig sa “wow! ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

15 thoughts on “Pinagbakasyong aktres, laman ng casino! – Ogie Diaz

  1. si sunshine yung blind item obviously. naka inuman ko sya a few weeks ago altho hindi naman kami magkakilala wahaha. basta friend nya yung sister ng friend ko. walang sakit si sunshine pramis. nakakapag inum sya at kung anu2 ang sinasabi nya wala kong maintindihan. yes nasa angeles pa rin sya now. hindi sya umuuwi sa bahay nila.

  2. yan daw ba ang may sakit sa migraine, sinungaling sa lahat ng sulok ng showbiz. hindi rin pala matino bulok din. hay sunshine mag iba ka naman ng gimmick mo.

  3. mabait tlga si binoe, nagbigay sya ng 5,000 dun sa namatayan sa bayan nmin habang nag so shooting sya doon ng teleserye nila noon ni Judy Ann yung bastat kasama kita, si judy ann madamot sama ugali si binoe tla matulungin… grbe gwapo pa.. ( kita rin nmin si binoe at juday madalas mag kulong sa car ni binoe ) hmmm judai??

  4. ang yaman ni kris diba, daming endorsements, daming trabaho at mataas pa ang TF pero talo siya kay angel loscin sa dami ng properties madaming rich papa kasi si angel si kris wala LOL!

    • Humanga ako sa dami nang donation ni Angel sa ShopandSave para sa mga biktima nang bagyong Ondoy at Pepeng. Ang mamahal na bags sapatos, shades etc. . . na pag natinda sa auction, siguradong ilang milyon ang aabutin. Ang ganda nang taste ni Angel. Class na class.

    • We visited the website for shopandshare. Angel donated a lot of her personal items, most of these are still brand new. This girl has great taste. Go to http://www.shopandshare.ph and you’ll see what I’m talking about. When it comes to charity, Angel has CHARITY written in her heart. A lot of those that are affected by typoon Ondoy and Pepeng will benefit from the proceeds of the auction. I was never a fan of anyone in the Philippines but when we saw the onslaught of the typhoon on TFC and saw what our young artists and talents did to help, I became an instant fan of some. God Bless Angel.

  5. sino pa ba tutulong kay Noy2x? eh sarili din nyang kapatid.. at c Kris lang naman ang pinaka mayaman sa lahat ng magkakapatid.. I appreciate Kris for her efforts..

Leave a Reply

Your email address will not be published.