Pinagalitan sa mababang grado 1st year HS, nagbigti

ISANG BINATILYO ANG nagbigti makaraang kastiguhin ng kanyang mga magulang dahil sa mababang grado sa eskuwelahan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natagpuan na lamang ang bangkay ng biktimang itinago sa pangalang Einstein na nakabitin sa loob ng kanilang banyo sa Bgy. Poblacion, Ward 4, Minglanilla City, Cebu.

Ayon sa kapatid ng biktima, pinagalitan ng kanilang ina na si Leilani si Einstein makaraang matuklasan ang mababang grado nito.

Huling nakita si Einstein nang malungkot na pauwi mula sa kanyang pinapasukang Immaculate Hearts of Mary Academy.

Sinasabing labis na depresyon ang dinanas ng biktima lalo na’t hindi umabot ang kanyang grade sa requirement para maging scholar.   (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.