Pinagalitan dahil sa nobyo Dalagita, naglason

PATAY ANG ISANG dalagita matapos tumungga ng lason nang mapagalitan ng mga magulang dahil may nobyo na sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center si Russel Lacaba, 15 ng C-3 Rd., North Bay Boulevard South ng lungsod.

Sa ulat, ala-1:20 ng hapon nang matagpuan ang biktima  na bumubula ang bibig sa loob ng kanilang bahay habang nasa tabi ang isang botelya ng silver cleaning solution na naging dahilan upang dalhin sa TMC.

Nabatid na bago ang insidente ay napagalitan ang biktima ng kanyang mga magulang matapos malaman na may kasintahan na ang dalagita.

Naging malulungkutin ang biktima hanggang sa makita na lang na bumubula ang bibig nito, kung saan inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa nasabing insidente.    (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.