Pinag-alisan ng USS Guardian, Bawal sa mga Turista

MAHIGPIT NA ipinagbabawal ng Tubbataha Reef Management Foundation (TRMF) at ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagsisid ng mga scuba diver sa dalawang dive site na bahagi ng lugar kung saan sumadsad ang USS Guardian.

Sinabi ni Angelique Songco ng TRMF na nagpapatuloy pa ang mano-manong paglilinis ng mga debris mula sa kinatay na US Navy Vessel.

Ayon kay Palawan Coast Guard District Commander at Task Force Tubbataha Commander Enrico Evangelista, magpupulong ngayon ang mga scientist sa panig ng bansa at mga marine biologist mula sa US Navy para umpisahan ang assessment sa kalagayan ng bahura.

Samantala, kinumpirma rin ni Evangelista na nakatakdang umalis ang Barge 7000 na pinagsakyan ng pinagpira-pirasong USS Guardian patungo sa Puerto Princesa City para sa clearance bago maglalayag pabalik ng Sasebo, Japan na home port ng naturang barko.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.