Pinabilis na pagkuha ng NBI Clearance, ibinida

IBINIDA NG National Bureau of Investigation (NBI) ang bago at mas mabilis na sistema sa pagkuha ng NBI clearance.

Sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima na ang internally-developed clearance system ang kauna-unahan sa kasaysayan ng NBI na bahagi ng National Justice Information System Project ay ipapalit sa clearance system na noo’y pinatatakbo ng third party service providers.

Kung dati ay may 11 prosesong dadaanan at tumatagal ng 95 minuto ang pagkuha ng NBI clearance, sa ilalim ng bagong sistema ay limang steps na lamang at 30 minuto lang ang aabutin.

Ayon sa kalihim, mas mainam ang pagproseso ng application form sa bagong sistema na mayroon ding Automated Cashiering Module para maiwasan ang katiwalian.

Samantala, nagkaroon na ng soft launch ng bagong clearance system sa head office ng NBI sa Maynila at 18 pang branch sa iba’t ibang panig ng Pilipinas noong Enero 2.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.