Pinabayaan na rin ng Siyete Richard Gomez, sasamahan na si Lucy sa Singko?!

ILANG BUWAN NA rin nating hindi napapanood sa anumang regular TV show ang guwapo pa ring aktor na si Richard Gomez. Ang last regular show nito ay ang Family Feud pa sa GMA-7, bago palitan ni Dingdong Dantes. Since tatakbo that time si Goma sa pulitika, pinagbawalan ang mga artistang magka-regular TV show.

After some weeks, binawi rin ng Comelec ang said ruling. Huli na para maibalik kay Goma ang show, dahil nai-announce nang si Dingdong na ang papalit.

Natapos na rin ang one season ng show hosted by Dingdong months ago at ngayon nga’y Take Me Out na ni Jay-R ang naka-on air sa same time slot, pero wala pa ring bagong show sa Siyete si Richard.

Na-disqualify ang aktor sa kanyang pagtakbo sa Congress for Ormoc, at mabilisang humalili sa kanya ang asawang si Lucy Torres-Gomez, na pinalad namang manalo.

Hanggang sa umugong ang chismax na from GMA-7, lilipat na sa TV5 si Goma. Kesyo one year na nga naman kasi magmula nang mag-expire ang kontrata ng aktor sa Siyete, eh wala pa rin itong new show, or renewal ng contract.

A few weeks ago, sa Paparazzi, kunsaan na-interview ni Ruffa Gutierrez si Goma, tinanong nito ang aktor kung magiging “Kapatid” na nga ba siya, mula sa pagiging “Kapuso”?

Ang sagot ni Richard ay, “Hindi ko pa alam, eh. Tingnan natin,” or words to that effect.

Last Sunday sa PO5, ang Sunday variety show ng Singko, ginulat ni Goma ang lahat nang sumayaw ito kasama ang asawang si Lucy, to the excitement ng kanilang loyal fans up to now. Katuwang mag-swing ang mag-asawa, huh!

Kaya lalong lumakas ang bulung-bulungan na lilipat na nga si Goma sa TV5, dahil tutal eh, nandu’n na rin naman si Lucy, pati na ang bestfriend niyang si John Estrada.

Nang ma-corner namin si Richard sa Bench fashion show sa SM Mall of Asia last Sunday, inamin nitong may meeting na naganap between his manager, Wyngard Tracy, at isang executive ng TV5. When we asked kung sino ang executive na ito, hindi raw alam ni Richard.

“Hindi ko alam kung sino ang mga kinausap ni Wyngard eh, but there was a meeting,” sabi ni Goma, confirming the reports na may offer nga ang network ni Manny Pangilinan sa kanya.

Kahapon ay tinext namin ni Wyngard to confirm the report, at ang sagot nito, hindi pa raw siya puwedeng magsalita ng detalye dahil under negotiations pa ang lahat.

Hahayaan na nga kaya ng GMA-7 ang isang Richard Gomez na mapunta sa TV5?

ANG BAGONG-LIPAT SA Singko ay si Ariel Rivera, na originally ay galing din sa ABS-CBN, bago lumipat sa GMA.

Isa si Ariel sa mga reliable singers we have in this country, pagpapatunay lang sa kanyang maraming hit songs na forever nang nakatala sa history ng Original Pinoy Music o OPM.

Kaso, ang balitang new show ni Ariel with TV5 ay isang sitcom with Eugene Domingo (na isang freelance artist). Nakahihinayang lang ang husay ni Ariel sa pag-awit, bakit kaya hindi pa gawing regular host ng PO5?

“Sitcom muna, pag-guest-guest lang muna siguro sa PO5,” sabi ng isang taga-TV5 na kausap namin.

Noong nasa GMA-7 kasi si Ariel, parang hindi rin naman na-maximize ng network ang pagiging singer nito, kahit sa SOP na ilang taon ding namayagpag, bago pinalitan ng Party Pilipinas.

Well, malamang na bago rin kay Ariel ang sitcom kaya tinanggap niya. At Eugene Domingo naman ang kasama, so why not? Maganda lang sana ang materyal at bagay sa mga personalidad nina Ariel at Uge.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

7 thoughts on “Pinabayaan na rin ng Siyete Richard Gomez, sasamahan na si Lucy sa Singko?!

  1. no matter what richard do, laos n sya at krpt-dpt lng n ma2hinga n sya. wag nya ng gamitin ang asawa nya pr s kanyang makasariling ambisyon!

  2. o isa pa itong Richard Gomez na ito na sobrang ambisyoso..ilang beses ng talunan sa politika hindi pa nadadala…la na kasing karir sa showbiz kaya gusto naman pulitika kasi dun ang maraming pera! kunyari pa gusto magsilbi sa bayan…tse! gusto lang nito mangurakot din at mag-powertrip! sige lumipat ka ng lumipat ng iba’t ibang channel…hanggang mapunta ka sa Channel 13….magsama kayo ni Aiko….LOSERS!!!!!

  3. jump na ulit si Richard sa ABS..maybe he can try hosting Wowowee..Who knows, baka bumalik ang career nya..dali!!!!!

  4. KASALANAN ni Richard G. kaya natengga ang career nito sa GMA! Kasi gustong maging politician kaya nawalan ng gana ang management sa kanya?

    Ariel is too old for a youth oriented Party Pilipinas just like his counterparts sa ASAP na sina Zsa Zsa, Gary and Martin!

    • Zsz Zsa, Gary and Martin, ” ANG MGA NAGMUMURANG KAMATIS SA ASAP’ dapat ihiwalay na lang sila sa sa mga teenager. Nakakailang panoorin.

      • Ay, bitter na bakla, kasi naman High Rating ang ASAP!

        Mas okay ng matanda sa TOP na show, kesa sa LAOS, FLOP AT NANLALASAM NG PUTIK na show!

        hahha tanungin mo ang mga SENIOR CITIZEN, PURO BALUKTOT BALAT UNGGOY LOLO LOLA, Jaya, Regine Ogie at Janno diba?? haha

Leave a Reply

Your email address will not be published.