Pimentel, Handa Nang Makipag-ayos kay Zubiri

HANDA NANG makipag-ayos si Senator-elect Aquilino “Koko” Pimentel III sa nakaalitang dating senador na si Juan Miguel “Migz” Zubiri ngayong tapos na ang eleksyon.

Habang naging mata-gumpay ang re-election bid ni Pimentel, bigo naman si Zubiri na makabalik sa Senado.

Maaalala na noong 2007, pinaglabanan nina Pimentel at Zubiri ang ika-12 pwesto sa Senate Magic 12.

Iprinoklama si Zubiri na nanalo ngunit iginiit ni Pimentel na nakinabang lang si Zubiri sa naganap na dayaan.

Noong 2011, nagbitiw si Zubiri sa puwesto. Kasunod nito, iprinoklama ng Senate Electoral Tribunal (SET) si Pimentel bilang lehitimong nanalo.

Sa huli, hinikayat ni Pimentel ang aniya’y kanyang kaibigan na muling tumakbo sa eleksyon.

“Migz should try again because he is a fellow Mindanaonon. We need more representatives, senators for Mindanao.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.