Pilot Error, Anggulo sa Flight Mishap

MAS MALAKAS umano ang anggulong “pilot error” ang dahilan sa pagsadsad ng eroplano ng Cebu Pacific sa Davao International Airport.

Sinabi ni CAAP deputy director general John Andrews na bagama’t nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon, pero sa inisyal aniya nilang findings, wala silang nakitang problema sa makina ng eroplano.

Sinabi rin ng opisyal na nakatakda umanong ipadala sa Singapore ang flight data recorder ng eroplano para sa analysis.

Kaugnay nito, binanggit din ng opisyal na saklaw din ng gagawin nilang imbestigasyon ay kung mayroong pagkukulang ang airline company sa pagpapatupad ng protocol para sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Una rito, pinanguna-han na rin ng ahensiya ang removal operation sa eroplano na nakaharang sa runway simula pa noong Linggo.

Samantala, inihayag din ng CAAP official na posibleng hindi na magagamit ng Cebu Pacific ang nagka-a-beryang eroplano dahil kuwestiyunable na aniya ang “air worthiness” nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.