Pilita Corrales, naghahamon kay Nora Aunor?!

OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na! Yes na yes to the maximum authority of chikka siyempre na naman ng nag-iisang yours truly at pasabog na naman siyempre. Ang mase-sey ko ay don’t make your Monday a blue Monday dahil maloloka ka talaga sa Earth sa mga eksenang nakakalurkey!

Kumustahin naman natin ang chikka nitong tungkol kay Pilita Corrales at talaga naman hinahamong makipag-showdown si Ate Guy, nakakaloka, ‘te! Naku, alam naman ni Pilita na may sakit ngayon si Nora Aunor at hindi makakanta, bakit ngayon lang niya naisipang hamunin? Bakit?!

Nu’ng mga kapanahunan nito, talaga namang masasabi mong hindi siya uurungan ni Ate Guy noon. Kung ngayon niya naisipang hamunin si Ate Guy, talaga namang mukhang masasabi mong nananadya siya.

At take note, ang sey lang ng fans ay kaya niya siguro ngayon naisipan, dahil alam niyang mapapansin siya at mukhang talagang nagpapansin lang siya. Alam naman kasi niyang hindi ganu’n kaganda ang magiging boses ni Ate Guy.

Anyway pagbigyan na lang natin si Pilita kung gusto niya talagang magpapansin at tingnan na lang natin ang sagot ni Ate Guy kung papatulan ba talaga siya?

 

AT HETO PA ang mga bonggang eksena at true to life story at talagang masasabi mong totoo at mismong anak ko ang nakakita kung ano ang eksena ngayon ni Ryan Agoncillo at ng asawa niyang si Judy Ann Santos. Masa-sabi mo rin talagang hindi totoong wala nang panahon si Ryan kay Juday at mukhang wala talagang hilig sa babae itong si Ryan.

Dahil noong nakaraang drifting ni Ryan ay talagang super busy siya sa competition niya sa Team Yellow Cab Anzahl at bongga naman ang naging eksena ni Papa Ryan du’n.

Talagang napakabait pala nitong dabarkads na ito dahil kahit sobrang dami na ng tao na sumugod sa kanya at gustong magpa-picture, pinansin niya pa ito at siya pa mismo ang nagpamigay ng freebies para matuwa raw sa kanya ang mga taga-Marikina.

At siyempre nu’ng Sunday ay last drift na nila at hindi na siya makakapunta sa dahilang mas inuna na muna niya ang kanyang family at inuna na muna niya ang 1st birthday ng kanyang anak. Bongga, ‘di ba? Talagang masasabi mong family-oriented talaga siya at nagpapasalamat siya sa mga sumuporta sa kanya nu’ng Saturday sa last drift n’ya.

Siyempre isa na du’n ang no. 1 suporta ng Anzahl car paint… at sa kanyang mga teammates na sina Kevin Yao at Alex Perez. Bongga, ‘di ba? Pak!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. At siyempre every Saturday, sa mga kababayan natin sa UK, i-type lang sa internet ang PINOYRADIOUK, 7:00-9:00 PM, Manila time. Badjao!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

7 thoughts on “Pilita Corrales, naghahamon kay Nora Aunor?!

  1. patawad po inang Pilita wag mo ng hamunin si Ate Guy baka wala ka ng pambili ng wig kung sakali..be friendly na lang ano para di ka makarinig ng salita…di pa namin nalimutan ang ginawa mo kay Lotlot..kaya wag ka ng manghamon diyan babayeng guwang….

  2. buhay pa pala ang matandang ito..akala ko wala na siya..now ko lang nalaman..di nan siya sikat kasi eh..nakiingay lang yan..

  3. T.Swarding bakit ang tawag kay Cristy ay Nanay Cristy eh dapat tawag sa kanya’ Demonyo Cristy Mukhang Pera ‘ ha ha ha sipsip ng sipsip sa mapera,hay grabe

Leave a Reply

Your email address will not be published.