Pilipinas, lost na lost na nga ba?!

OLA CHIKKA! HINDI ko na mawari kung ano na ang kahihinatnan ng noontime show na Pilipinas Win na Win! Dahil sa chikkang narinig ko na mga oldies na raw ang aagapay ng nasabing programa. Lilisanin na ni Kris Aquino ang programa at ang nakatkdang sumalo sa responsibilidad ay sina Rico J. Puno, Haji Alejandro, Rey Valera at Marco Sison.

Naku, ha? Mukhang hindi na naman maganda ang kalalabasan niyang plano na iyan dahil malamang mga oldies na rin ang manonood nila at ‘pag nagkataon, bagsak na naman ang rating ng programa.

Wala ba silang ibang naisip na maaaring mag-take over sa Pilipinas Win na Win at iyang apat ang napili ng management?
Hindi sa kontra ako at pinagdududahan ko ang kakayahan ng apat na lalaki. Ngunit para sa akin, mas maganda kung makamasa at may dating ang papalit na mga hosts para kagiliwan sila ng manonood, hindi lamang sa matatanda kundi pati mga bata.

Ang sa akin lang, sana humanap sila ng mas bagay sa programa na kayang mag-reach-out sa lahat ng klase ng manonood. Ang daming talentadong artists ng Dos kaya hindi dapat sila mag-panic. Dati nang sira ang image ni Willie Revillame bago pa man siyang magig host ng Wowowee, ngunit agad nalinis ang kanyang pangalan at nagustuhan na ng masa. Ang sinasabi ko lang, huwag silang agad-agad magdesisyon.

Si Kris Aquino ay napapabalitang babalikan ang Deal or No deal na itatapat ang timeslot sa programa ni Willie sa Kapamilya Network. Hmmm… uubra naman kaya siya? Kung sa noontime slot ng Dos, walang binatbat si Tetay, eh paano pa kaya ‘pag mismong programa na nila ang nagtapat?! Pak!

NAGMAMADALING UMUWI ANG Megastar na si Sharon Cuneta mula sa Europe dahil sa kumalat na chikkang pati ang anak niyang si KC Conception ay nadawit na sa mga taong sinisiraan nitong si Mariel Rodriguez.

Ayon sa chikka, sinasabi raw nitong si Mariel na ginagaya lang ng anak ng megastar ang kanyang pagho-host at kinukuwestiyon pa raw umano nitong si Mariel kung bakit mas naunang nagkaroon ng show si KC sa Dos, samantalang mas matagal at mas nauna naman siya rito.

Sa pagmamaldita ni Mariel, kung sinu-sino na ang nadadawit sa kaguluhan niya.

Hindi sa lahat ng oras, maidadaan mo sa tawa ang mga isyung ibinabato sa iyo maging ang pag-iyak-iyak mo sa madlang people, wa-epek na rin. Kaya kung ako sa iyo Mariel, dahil masaya ka naman ay manahimik ka na lamang kung ayaw mong ikaw ang laging nakikita, hindi ba?!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong female-actress na hanggang ngayon ay napakarami pa ring fans kahit na chakabels as in pangit na ang kanyang programa ay todo-suporta pa rin ang mga fanatics n’ya?

Hindi ko feel ang takbo ng istorya maging ang casting ay hindi rin swak. Basta ang masasabi ko lang ay hindi siya pang-gabi, kung nasa bandang hapon siguro ang timeslot n’ya baka magustuhan ko pa.

Hindi n’yo mahulaan? Subaybayan na lamang sa aming programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30-12 nn at makigulo at maging una sa chikka kasama aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, 2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

34 thoughts on “Pilipinas, lost na lost na nga ba?!

  1. Thanks at sinipa na si Kris Yap, dahil sa kanya kaya sobrang baba ng ratings kasi, ang hindi nila kasi, maraming moralista taga sunod ng wowowee, win an win. Just see, pag pasok ng oldies tomorrow, 4th Oct. tatataas ratings. kasi nga wala na si eskandalerang Kris na sobra sa pansin.

    • Buti nga sa kanya. Puro na lang kasi siya ng siya, ayaw pasapaw sa iba, mahilig mang solo o mang agaw ng eksena, hayy salamat nawala na siya, baka naman tatataas na ratings pag wala na siya. Kaya nga umalis si Robin at Mariel eh, sahil sa kanya, alam nyo ba yon? now you know.

    • Sana ibalik nila si Janell Jamer na host kasi love ko talaga si Janell, I like her kasi hindi maarte and she looks nice all the time, she smiles a lot. Gusto ko talaga si Janell. At wow ang legs nya.

  2. I’m really worried about Baby James, imagine dalawa ng beses nadengue? … yon bang kasabihan na, natipos yan ng bata pa. Kaya paglaki, im really worrieda as ever. OMG.

  3. No doubt, kahit nao pa sabihin nyo against kay Sarah, siya pa rin ang Reyna ng Pop sa Pilipinas. She is clean and well respected. Yong mga detractors, bayaran sila na kabilang network, at yong mga writer na walang payola kay beautiful Sarah. Ganon yon. aminin.!!

    • Me too I like Sarah but I think the IDOL teleserye is not so interesting to watch, it is not Sarah that has a problem, i think it is the show!!!

      • Yeah I think it is not Sarah who has the problem but i think the show is the problem kasi parang hindi masyadong interesting panoorin.

  4. Nag-inaarte kasi nang bigyan nang project na kasama si JLC. Ayaw na niya dahil siguro hindi papatok dahil na-link si JLC sa iba. Ngayon, si JLC pala ang mas malakas kaysa sa kanya.

  5. SARAH SUGAPA SA RAKET!

    palibhasa nagmana sa INA niyang MUKHANG PERA!

    kahit ilang ELAIA pa laklakin mo ‘day mukha ka pa ring TSIMAY!

  6. talaga namang kukilat ang idol ng sarah geronimo nayan mikha kasing pera pa inosente kuno kinakati rin naman nagkapera lang naging mayabang na kukuha lang ng bodyguard gumawa pa ng isyo kapal talaga sana bumagsak lahat ng gawin ng sarah nayan mukhang pera kc pagkatapos tulungan at nakatulong din naman si kris yumabang na kapal talaga

  7. SYmpre yung npka pangit na idol na bagsak na bagsak sa ratings kung d lang c sarah g bida jan wla ng manonood jan! hahaha

  8. I think Sarah’s reputation and integrity was a little bit stained when she campaigned for a politician in exchange of millions of pesos during the recent election. Some people said the politician she campaigned for was a little bit shaky. They compared her to Dingdong Dantes, as we all know, he campaigned for Pnoy for free because of his beliefs. Dingdong had several offers for millions of dollars to campaign for rich politicians but he turned them down. That is what you call personal dignity.

      • Rayver hindi naman, sinabi ko lang yong nabasa ko na naiba daw ang tingin sa ibang mga tao kay Sarah dahil nga sa pag endorse nya sa walang masyadong credibilidad na politiko dahil sa 20 million pesos ba yon. They just compared her to Dingdong who turned down millions of pesos from a lot of rich and powerful politicians to campaign for them and instead, Dingdong campaigned actively for free for President Aquino because Dingdong said he has his beliefs daw, yon ang sabi nya sa kanyang mga interview.

Leave a Reply

Your email address will not be published.