Pilar Pilapil recovering from traumatic experience

NATAKOT AKO SA nangyari kay Pilar Pilapil, huh! Bilib nga ako sa kanya na nalagpasan niya ‘yun kahit ilang beses na siyang nasaksak.

Kaya pinagsabihan ko talaga ang mga alaga ko na mag-ingat na lalo na kung out of town sila nagti-taping. Hindi mo sigurado ang lugar na pinupuntahan mo at ang mga taong nandu’n. Walang pinipili at kung papatayin ka, talagang tutuluyan ka nila.

Talagang mahal ng Diyos si Pilar at binigyan pa siya ng pangalawang buhay para magkaroon ng linaw na malutas itong nangyari sa kanya.

Kinausap ng staff namin sa Startalk ang anak ni Pilar na si Pia Pilapil at nakiusap muna ang huli na wala siyang maibigay na pahayag kaugnay sa nangyari sa kanyang ina. Pagbibigyan daw muna nito ang kahilingan ng Mommy niya na wala munang magsasalita.

Hayaan daw munang maka-recover ang Mommy niya bago sila magbigay ng statement, dahil talagang napaka-traumatic daw itong nangyari sa kanya.

Siyempre, hindi pa natin tiyak kung ano ang susunod na mangyayari dahil hindi pa nahuhuli ang gumawa ng krimeng ‘yun.

Sabi ni Pia, in due time magsasalita rin daw sila. Pero sa ngayon, hayaan daw muna itong magpagaling sa hospital.

Na-shock nga ang mga malalapit na kaibigan ni Pilar dahil hindi nila akalaing mangyari ito sa kanila.

PAPASOK NA TAYO sa Holy Week at karamihan sa mga artista natin ay naghahanda na kung saan sila magbabakasyon.

Karamihan na naman ay nasa Boracay, pero ang buong cast ng Temptation Island ay ilang araw lang daw ang bakasyon nila sa Holy Week dahil kailangan nilang mag-shooting sa Ilocos.

Nu’ng kamakalawa lang sila nagsimula at kumpleto ang buong cast sa Ilocos na talagang nagdurusa raw sila sa sobrang init doon.

Nataranta pa ang production staff ng Temptation Island dahil two days bago sila mag-pull out pa-Ilocos, biglang hindi na pala puwede si Paulo Avelino dahil nagkasakit ito. Isang linggo siyang naka-confine sa hospital dahil nagka-Pneumonia daw ito.

Hindi naman nila puwedeng i-pack-up dahil mahihirapan na silang ayusin ang schedule ng ibang artista. Kaya napilitan silang maghanap ng kapalit at si Mikael Daez ang nahanap nila. Si Mikael itong isa sa leading man ni Marian Rivera sa Amaya.

Sayang nga dahil malaking break sana ito kay Paulo, pero hindi raw talaga pinayagan ng doktor na mag-shooting at kailangan daw nitong magpahinga nang husto bago lumala ang sakit niya.

Ang dami pa namang naghahangad ng role na para sa kanya, tapos hindi pa siya natuloy. Sayang din!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Pilar Pilapil recovering from traumatic experience

Leave a Reply

Your email address will not be published.