Pilar Pilapil, may ginagawang international movie sa London!

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na!!! Yes kakaibang eksena na naman ang chikahan natin to the maximum authority of chikka at bonggang-bonggang eksena at mapapa-har-har ka talaga dahil mismong natuklasan ko ito sa aking radio program sa Pinoy UK Radio at bonggang online streaming ‘yan doon.

Kung gusto n’yo kong mapakinggan ay i-type lang ang Pinoy UK Radio at 7:00 to 9:00 pm, at talagang mayroon akong isang very kontrobersyal na nakapanayam sa radio program ko, dahil nagkaroon nga siya ng bonggang-bongang eksena dito sa Pilipinas.

Heto na nga ang chikka. Nagsisimula na akong mag-interbyu kay Pilar Pilapil at ok na ok naman ang chikahan namin. Samantala, nang maitanong ko nga kung kumusta na ang nangyari sa kanya pagkatapos ng mga rebelasyon niya rito sa Pilipinas, ang nakawiwindang na chikka at eksena niya ay pataray siyang sumagot na: Hay naku huwag mo na ngang itanong sa ‘kin ‘yan! Ito na lang ang pag-usapan natin, ‘yung ginagawa kong international movie dito sa London.

Hahaha! Iyon ang sagot niya sa ‘kin, pataray at parang galit na galit siya. Siguro ay ayaw niyang ipaalam sa UK na may ganu’ng eksena siya sa Pilipinas.

Ano naman kaya ang magiging resulta ng pagtataray niya? Nakawiwindang ang inyong Tita Swarding, tinarayan nang bonggang-bongga! Nagtatanong lang naman ako…

Ah, kaya siguro siya nagtaray nang ganu’n, baka nga naman makasira ‘yun sa ginagawa niyang international movie. Kung ako sa kanya, sana sumagot na lang ako nang maayos at nu’ng sinalo ako ng co-host kong si Sonny Lagaran, napansin yata ni Pilar na hindi na ako nagsasalita, at parang wala na ako sa ere sa sobrang imbyerna ko. Hahaha!

Ayun, ang lola mo humingi ng pasensiya at nagpasa-lamat at biglang nagpaalam.

 

NAKU, ‘TE! HINDI lang ‘yan ang naging eksena ko rito. At kung naaalala n’yo rin itong si Grace Ibuna na dating naging asawa ni Gabby Concepcion, at bali-balitang may junakis din siya kay Gabby at talaga namang du’n na siya naninirahan.

In fairness naman sa kanya, tahimik na ang buhay nila roon at ang bonggang-bonggang eksena roon, may bago na raw itong boylet at mukhang masayang-masaya na siya sa buhay niya. Kaya maging masaya na siya sa buhay niya. Kaya naman ‘wag na muna natin siyang intrigahin at nai-share natin ang mga nakapanayam ko sa aking programa sa Pinoy UK Radio at medyo uncensored.

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Bonggang-bonggang at pak na pak ito. Sino siya? Sino kaya itong artistang ito at masasabi rin nating kilalang-kilala sa pagiging komedyante niya dahil mukhang nawawalan na nga siya ng mga fans dahil sa pagiging ma-ere at nakakasawa na nga raw panoorin at hindi na raw masyadong nakakatuwa?

Ano kaya ang masasabi mo rito, ‘te? Keri boom boom ba? Pak!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

5 thoughts on “Pilar Pilapil, may ginagawang international movie sa London!

  1. hey tita swards, i don’t think Pilar got mad when asked about what happened to her here in the phils, but she simply doesn’t want to talk about it at all..well siguro kasi very bad experience nya yun so she doesn’t want to remember it at all..you’re just OVERRLY RE ACTING… she doesn’t want to talk about it… so leave it at that ..just give some respect..pansin ko lang lagi kang OUT OF CONTEXT NGAYON Sa mga pinagsasabi mo.. minsan di mo na talaga alam..basta may masabi ka lang…. but we know… the truth…lagi mo kasi sinasabi kesyo matagal ka na sa industry dekada na ..century na yata… pero ganun ka pa rin.. so ang rating ko sa yo..N .I. (needs improvement) di ba mr Rey Herrera ..tuloy daw po ba yung gift nyong car sa kanila ni lola sela…naku ha… kala ko ba public service …may kapalit pala…tsk tsk tsk…

  2. SI VICE GANDA YATA ANG BLIND ITEM NI SWARDING EH…. WALANG GINAWA KUNDI MANIRA NG ARTISTA ANG BAKLANG ITO KALOKA! MANAHIMIK KA NA NGA SWARDING!

  3. hey titaswarding, bali-balita pa ba yung garie na anak ni grace ibuna ke gabby? di ba lumantad na nga at lahat? unless na me iba pa syang anak ke gabby na hindi namin alam?

Leave a Reply

Your email address will not be published.