Pigsa at Bulutong, kumalat sa mga inmate sa CamSur

HINIGPITAN NG pamunuan ng mga district jail sa lalawigan ng Camarines Sur ang pagpapasok sa mga bisita ng mga bilanggo.

Ito’y matapos na mahawaan ng sakit na chicken pox o bulutong ang isa sa mga preso ng Tigaon District Jail ng kanyang bisita na siya namang pinagmulan ng pagkalat ng sakit sa bilangguan.

Nabatid na umaabot na sa 18 preso ang nagkaroon ng naturang karamdaman, kung saan pito sa mga ito ay hiniwalay na ng selda upang hindi na makahawa pa sa ibang mga preso.

Kaugnay nito, doble i-ngat ngayon ang mga jail officers sa pagpapapasok ng mga bisita lalo na pagdating sa kundisyon ng kanilang kalusugan maging sa mga dala-dalang pagkain.

Samantala, sa Naga City District Jail naman, umaabot na sa 10 mga bilanggo ang dinapuan ng sakit na pigsa na inaasahang tataas pa ang bilang habang nagpa-patuloy ang matinding init ng panahon.

Maliban sa mga gamot, pinayuhan naman ng pamunuan ng mga bilangguan ang mga inmate na magkaroon ng proper hygiene upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga nasabing  sakit.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.