Picnic-Inspired na Kainan sa Tabi ng Lawa

CusinaMASARAP NA kainan sa ilalim ng sikat ng araw at lilim ng mga puno. Parang nagpi-picnic lang ‘pag nagkasama-sama ang buong pamilya, magkakaibigan o magkakatrabaho sa mga hapag-kainan sa tabi ng lawa. Ito ang ibinibigay ng pakiramdam sa mga bisita at kostumer ng isang lugar-kainan.

Matatagpuan sa San Pablo City, Laguna at nakatayo sa tabi ng isa sa pitong lawa (Bunot Lake) ng San Pablo ang 1-taon nang Cusina de Sabang 602.

Mahahalina kayong kumain sa kanilang picnic-inspired restaurant na may mga kubo, at maglalaway sa mga katatakam-takam na mga pagkain tulad ng Crispy Pata ng Candelaria, Adobo sa Dilaw ng Quezon, Grilled Tilapia ng Talisay, and Sinigang na Sugpo ng Quezon.

Specialty rin ng restaurant na mas kilala sa tawag na “Cusina” ang kanilang Golden Fred Tilapia na dalawa ang sawsawan: oyster sauce at sweet and sour sauce. ‘Di rin malilimutan ang kakaibang sarap ng Kare-Kare with Langka.

Bukod sa mga nabanggit, mayroon din silang Pancit Canton, Sinigang na Ulo ng Salmon, at Patatim; at para sa panghimagas, mayroon silang Ube with Macapuno at Mango Tapioca. Nagsisilbi rin sila ng Beer, kapag may ni-request.

Bukas ang Cusina de Sabang 602 mula Martes hanggang Linggo (for reservations only ang araw ng Lunes), alas-9:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi.

Kung nais ninyong marasanan ang kakaibang hapag-kainan at ma-relax habang kumakain sa tabi ng lawa, punta na sa Cusina. Bisitahin ang kanilang Facebook page sa www.facebook.comcusinadesabang602 at makikita n’yo ang iba’t ibang grupo ng mga kostumer na talaga namang nag-enjoy at nakuntento sa kanilang karanasan sa Cusina.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.