Pichay at Zubiri, testigo laban kay GMA

KASALUKUYANG NAGHAIN ng pormal na listahan ng mga karagdagang testigo ang Commission on Elections (Comelec) na magdidiin umano kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

May kaugnayan ito sa kasong electoral sabotage na nasa sala ni Judge Jesus Mupas. Ayon sa Comelec, 60 testigo ang kanilang naka-handa, kung saan ang ilan sa mga ito ay kilalang personalidad na naging malapit pa sa dating pangulo.

Kasama sa mga nasabing testigo sina National Chess Federation of the Philippines (NCFP) chairman Prospero “Butch” Pichay Jr. at resigned Senator Juan miguel Zubiri.

Sa 300 pahina ng mga dokumentong inihain ng poll body sa Pasay RTC, nanindigan silang matibay ang kanilang akusasyon laban kay Gng. Arroyo.

Samantala, iginiit din ni-lang hindi sila ang sanhi ng antala sa pag-usad ng kaso kundi ang mga pagtatangka ng kampo ng dating pangulo na ilihis ang mga usapin at paghahain ng sari-saring petisyon at mosyon na kai-langang bigyan ng pansin ng hukuman.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.